Life Goals

Ang neverending na listahan ng mga bagay na gusto kong gawin at mga pangarap na naghihintay na matupad; na sana ay makamit bago man lang mahuli ang lahat. Yung iba simple, yung iba mababaw, meron din na mga imposible at parang patawa lang, pero lahat ng iyan gusto ko sanang mangyari. Kung hindi man ngayon, marahil sa takdang panahon. Libre lang naman maglista, wala namang bayad.

*ie-edit ko from time to time para mailagay ko ang istorya kung paano sila natupad at baka meron dyan na ayoko na pala, o merong nagbago

 

PARA SA PAMILYA
Magkaroon ng sarili naming bahay at lupa
Magkaroon kami ng sasakyan, (Strada o Montero)
Magkaroon ng malaking tangke na may Koi fish
Magkaroon uli ng pusa, Himalayan naman sana
Makapagbakasyon sa iba’t-ibang lugar
Makapagsimba Linggu-linggo

PARA SA ASAWA
Mahalikan/halikan at mayakap/yakapin sya paggising at bago matulog: araw-araw
Maikasal muli kay Alfred Villanueva sa simbahan
Makapag celebrate ng 1,000,000 monthsaries
Makapag celebrate ng 100 anniversaries sa asawa
Mapasaya ang asawa araw-araw
Makasayaw kagaya ng steps sa Dirty Dancing sa tugtog na Time of My Life
Matulungan ang asawa na matupad ang kanyang pangarap
Mapatigil ang asawa sa mga bisyo at matulungan syang humaba pa ang buhay
Manampal ng asawang sinasagad ang sarili at subsob na subsob sa trabaho
Manapak ng asawang walang panahon makipagbonding sa mga anak
Maipaalala sa asawa na magpasalamat sa mga magulang at kapatid
Matulungan ang asawa para maging mabuting tao
Matulungan ang asawa na maabot ang full potentials nya at magamit ito sa mabuti
Matulungan ang asawa na magkaroon ng tiwala at pagpapahalaga sa sarili
Mapa-realize sa kanya kung gaano ako ka-sorry sa mga nagawa ko sa kanya
Maranasan kung paano kami noong unang taon palang namin magkasama

 PARA SA MGA ANAK
Magkaroon ng anak na babae na papangalanang Aaryn  2017Jan03
Mapag-aral ang mga anak at mapagtapos sa gusto nilang kurso
Maramdaman ng mga anak ang pagmamahal sa kanila
Mapagkatiwalaan ng mga anak bilang bestfriend nila
Makapagpalaki ng mga lalaking may prinsipyo at dignidad
Maturuan ang mga anak na maging mabuting tao
Maturuan ang mga anak na maging responsible at gentleman
Maparusahan ang mga anak na nagkamali kung kinakailangan
Maturuan ang mga anak tungkol sa kahalagahan ng buhay
Mapalaki silang may masasayang alaala ng kabataan
Mahalin ng mga anak dahil sa iyon ang nararamdaman nila
Mapalaki sila bilang masasaya at positive na tao
Maturuan sila kung paano makuntento at lumaki ng walang inggit sa kahit kanino
Magabayan ang mga anak para maging mabubuti silang asawa at ama
Maihanap ang mga anak ng matinong asawa

PARA SA MGA KAPAMILYA
Makatulong at makabawi sa aking mga magulang
Maging mabuting anak at manugang
Maging mabuting kapatid, hipag, at bilas
Makapatay kung magkaka-bayaw na walanghiya (lalo kay July)
Maging mommy sa mga pamangkin
Mahalin at pahalagahan bilang ate
Maipatayo sila ng mansyon o resort na pang amin lang

PARA SA IBANG TAO
Makapagpaaral ng ibang bata o tao
Makapag-donate ng mga bagong damit at gamit
Makapagpakain ng mga tao
Matulungan ang ibang tao na magkaroon ng kabuhayan
Makapagpasaya ng mga taong labis na nalulungkot
Makatulong na magsimula ng pagbabago sa isang tao
Makatulong sa mga nasalanta o nakaranas ng matinding pagkalugmok
Makarating sa liblib na lugar at matulungan ang mga nahihirapan doon
Makatulong para sa pag-unlad at pagtatagumpay ng isang tao

PARA SA SARILI
Makagraduate at magka-graduation photo
Makapag-aral ng culinary, baking, law, o medicine
Magkaroon ng mga valid ID
Makapagsayaw ng  parang sexbomb dancer nang hindi nagmumukhang tanga
Maabot ang high notes nang hindi pumipiyok
Makapag shopping nang hindi iniisip kung magkano ang matitira sa wallet
Makapagrelax, makapaglibang o makapag spa mag-isa
Maranasan na makapag-bar
Maranasan na makakain sa fine dining
Maranasan na makakain sa eat all you can
Maranasan mag ice skating
Makaranas kahit isang araw ng isang extreme makeover
Magkaroon ng tattoo
Magpa Brazilian Wax
Makasakay sa eroplano
Makarating sa Japan
Makasaksi sa isang pangyayari na hindi na mauulit sa loob ng mahabang panahon
Manalo ng grand prize sa raffle o anumang promo na salihan
Magkaroon ng magandang photo at photoshoot na ala top model
Makapagsuot ng lingerie na hindi mukhang masagwa
Makapagtanim at makapagpalaki ng puno, maraming maraming puno
Makabawas sa polusyon at makatulong sa pagpapaganda ng mundo
Makapagpatubo ng bulaklak at mapabulaklak ito ng marami
Maidonate ang isang bahagi ng katawan sa nagangailangan
Mai-cremate agad agad, ayaw ko ng ibuburol pa at makita nilang patay na
Mailagay ang abo kasama ng lupa na tataniman ng sunflowers, puno, o pulang-pulang rosas at mabuhay muli sa katauhan ng mga bulaklak
Mag-iwan ng mabuting alaala sa pamilya at kakilala

signature

Advertisements