Ang Huling Baraha

Naaalala ko noong September, nag-usap kami ng kapatid ko nang minsang um-attend kami sa pabinyag ng pinsan namin.

J: “Te, akala ko noon maiispoil si Alyana kasi sya lang ang babae mong anak. Di pala.”
Me: “Oo. Akala ko din. Siguro sa ibang bagay pero hindi rin masyado.”
J: “E pano pag nagkaanak ka pa?”
Me: “Okay lang. Okay na ako sa tatlo pero wala namang problema sa akin. Pero gusto ko boy. Parang di ko na kasi ma-imagine na may isa pang babaeng baby bukod kay Yang.”

That time, may pinsan din ako na 9 months preggo ang hinimas ang tyan ko at sinabing “Sundan mo na ‘to para may kasabay” natawa ako noon at sinabing “Nako, saka na pag 6 digits na ang sahod ni Al”.

At yun na. October 2018, hindi na dumating ang mens ko.

Mataas ang expectation ko na magkakaro’n kasi wala naman akong (kaming) ibang ginagawang kakaiba. Sobrang busy sa trabaho ang asawa ko at good luck kung makapagusap pa kami nang matagal. Pero makalipas ang tatlong araw na delayed, kinabahan na ako. Doon ko na pinakiramdaman ang sarili ko at nag-isip kung ano ba ang mga ipinagbago ko nung mga nakaraang araw. Napansin ko na bukod sa normal naman ang lahat e palagi akong naiinis sa asawa ko at ayan nanaman ang ugali kong may pagka-clingy sa kanya. Nagagalit ako kapag labas sya ng labas pero pag nandyan na sya, inaaway ko naman. Sinubukan ko ring balikan yung kaisa-isang araw sa buwan ng September kung kailan kami nagtabi. 2 days bago ang ovulation day ko (ayon sa ginagamit kong app) kaya mas lalo akong kinabahan sa sobrang taas ng probability na baka buntis nga ako. Kahit medyo hindi ako makapaniwala dahil naisip kong isang beses lang naman ang nangyari, may chance parin, mataas ang chance.

Lumipas ang ikaapat, ikalima, at ikaanim na araw. Positibo na ako sa sarili ko na buntis ako. Binibiro-biro ko ang asawa ko pero hindi nya ako pinapansin. Tinatanong nya ako kung meron na ba o wala, hintayin ko lang daw at magkakaro’n din ako. Ramdam ko sa kanya yung takot na magkaanak uli dahil naiintindihan ko namang ngayon palang kami nakakabawi at hindi naman biro ang pagtataguyod ng tatlong anak lalo sa kundisyon ko na hindi rin biro ang gastos ko sa pagbubuntis at panganganak. Hanggang minsan, umuwi sya na may dalang pregnancy test dahil narin sa pagpilit ko na bumili na sya para malaman na namin kung ano ba talaga.

Nagluluto ako noon ng hapunan at sinabi nya na subukan ko na raw. Gusto kong maghintay pa sana sa umaga kagaya ng tipikal na oras ng paggamit ko sa mga pt pero sabi nya subukan ko na raw. Nagpunta ako sa banyo at sinimulan ko ng kumuha ng sample.

Unang patak, pangalawang patak, pangatlo… bakit ang bagal? Nanginginig na ako. Pang-apat, panglima, nalunod na ang sample slot at pinanood kong gumapang ang ihi ko sa test. Wala akong nakitang kahit ano. Naisip ko na agad na “Buntis ako, alam ko. Pakiramdam ko. Bakit wala?” “Sabi na nga ba dapat umaga nalang ako nagpt.” Tapos sabay “False alarm pala, buti naman.” Pero deep inside may konting lungkot ako sa pakiramdam. Hanggang sa medyo tumagal pa ng konti, may nakita akong malabong linya na unti-unting nabubuo.

Faint line. Positive. Buntis nga ako.

Lumabas ako sa banyo na nanginginig, kumakabog ang dibdib, at di makahinga.

Ipinakita ko na agad sa asawa ko pero ang sabi nya “Hindi ka buntis, malabo e. Dapat malinaw yan.” Natawa ako sa reaksyon nya na halatang sobrang in denial. Pero ako, alam ko sa sarili ko na buntis ako. Apat. Ikaapat. Humabol pa.

Kinabukasan, sobrang linaw na nung faint line

Wala na kaming balak na magkaanak pa dahil sa sobrang traumatic ng experiences ko sa high risk kong pagbubuntis at panganganak. Pero hindi rin naman sarado sa akin yung possibility na magkaanak pa dahil ang gusto naman sana talaga namin noon e apat. Saka aware ako na maraming babae ang nagdarasal na magkaanak pero hindi mabiyayaan. Kaso, hindi ko lang ma-imagine kung paano ko maidadagdag ang bagong baby sa panahong ito. Ang dami naming plano, nagsisimula uli kaming umahon. Ngayon palang kami nakakabawi tapos heto at paniguradong gastusan nanaman. Nagpapapayat nga ako at nagsisimula ng skincare routine dahil iniisip kong gusto ko sana pagdating ko ng trenta, “balik alindog” na ako haha. Nagsisimula na rin akong bumalik sa raket ko at naopen ko na rin sa asawa ko yung chance na makapag-aral ako uli. Plano din namin ang mag-travel kahit sa malapitan lang. Higit sa lahat, ang naging pinakamalaking worry ko ay si Alyana.

Si Alyana at itong bagong baby ang may pinakamaikling gap. Para sa akin, parang baby pa talaga ng anak ko. Ni hindi pa nga sya makapagsalita nang diretso. Sya ang inaalala ko dahil pakiramdam ko hindi ko pa sya nabigyan ng sapat na alaga at atensyon. Nagsisimula palang din sya na matuto ng mga bagay bagay. Naisip ko na parang ang unfair para sa kanya. Ate na sya agad. Parang di ko pa maisip na tawagin syang Ate.

Isa din sa inaalala ko ay ang mga tao. Minsang naghihintay ako sa isang bakeshop, tinanong ako ng guard kung ilang taon na ako. Nang sabihin kong 28, nagulat sya at ang bata ko pa raw pero andami ko ng anak. Nakakainis na nakakainsulto minsan yung ganun na hindi ko alam kung ano ang intensyon ng ganung mga comment. Masyado akong apektado sa ganung bagay kaya heto nanaman ako at nag-iisip na baka may marinig akong “Apat na anak nya, Ang dami nyang anak” mga ganun ba. Pero inisip ko nalang din na bakit nga ba, e may asawa naman ako at kasal naman kami.

Apat. Sa tatlo palang parang “Aaaaaaarghhh” haha ang hirap. Tinanong ako minsan ng kaibigan ko kung ano raw ba ang pakiramdam ng may tatlong anak. Juskopo. Ngayon, ano na kaya ang mangyayari sa akin sa pagpapalaki ng apat na magkakaibang mga tao. Yung mga gastos sa panganaganak at pagpapalaki, maliit na bagay lang kumpara sa kung papaano mo mapapalaki ang isang bata bilang isang responsable, kapaki-pakinabang, mabuti, at masayang tao. Isinama ko ang masaya dahil para sa akin, maituturing kong success ang mapalaki kong masaya ang mga anak ko dito sa mundong marami ng mga bagay ang mabilis maka-drain sa happiness ng mga tao.

Nagsulat ako nung nakaraan tungkol sa isang four leaf clover. Yun ang araw na nagtest ako at nagpositive. Naisip ko kasi na usually ang clover diba tatlo lang ang dahon at swerteng maituturing na magkaro’n ng ikaapat na dahon. Kaya ni-relate ko sa sarili ko na yung tatlong anak na inakala namin ay madadagdagan pa pala ng isa. Ang ikaapat na dahon daw ay ang swerte. Kaya naisip ko rin na may dahilan kung bakit sya ibinigay sa amin. In a way, paraan na rin siguro ito ni God para tulungan ako na tuluyang makaahon sa depression ko. Oo, isang taon na pero masakit parin, pabalik-balik. Kaya siguro ibinigay sya sa akin kasi para marealize ko na marami pa akong kailangang gawin at kailangan din na alagaan at mahalin ko ang sarili ko. May purpose pa akong kailangang tuparin.

So heto na nga.

Buntis nanaman si Mrs. Villanueva.

Hahaha. Ngayon ay nasa 12 weeks na ako. Ito daw ang pinaka safe na panahon para iannounce dahil mas mataas na ang chance na maging successful ang pregnancy. Ngayon palang, may mga pinagdadaanan na akong problema sa pagbubuntis pero sa susunod na post ko nalang idedetalye at sobrang haba na nitong sinulat ko. Kaya ayan. Ayan na sya. Ang aming ikaapat na dahon haha. Ang huling baraha na kukumpleto sa mga Alas. Sabi nga ng isang crackers commercial, Apat Dapat. Marami pang mga bagay na apat hahaha. Andami ko ng ideas. Excited na ako sobra.

Hahahaha. Marami pa akong naisip 🤣

Kung dati ang sabi ko, ang mga anak ko ang Biyaya, Ligaya, at Pag-ibig ko, itong ikaapat ang Swerte namin dahil maswerte kaming mapagkatiwalaan at mabigyan ng isa pang pagkakataong magbigay buhay sa isang tao. Ibig sabihin siguro tama ang ginagawa namin sa tatlo kaya sinagad na ng isa pa hahaha.

Thank You Lord sa panibagong blessing.

Advertisements

2 thoughts on “Ang Huling Baraha

Leave a Reply to Meg Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.