Binat Pagkapanganak: Gaano Katotoo?

Congtatulations sa panganganak! Napagdaanan mo rin, nalagpasan mo. Tapos, ano na?

Sa panahon na kung saan halos lahat na ng bagay ay madalian at mabilisan, gaano pa nga ba katotoo ang Binat?

Para sa matatanda, ang binat lalo na sa mga bagong panganak ay hindi biro. Pwede daw itong magdulot ng mga sakit sa katawan, pagkabaliw, at ang pinakamalala ay pagkamatay. Grabe no? Siguro maiisip natin na “sobra naman maliit na bagay, ikamamatay na agad?”, “Hindi lang sumunod e, wala naman konek”. Marami sa atin ang mapapataas ang kilay at di naman din susunod dahil narin sa modernong paniniwala. Mas marami na ngayon ang pinipili na balewalain nalang ang mga pamahiin kasi nga naman, hello? It’s 2018 guys.

Anu-ano nga ba daw ang mga bawal gawin ng isang ina na bagong panganak? Heto ang ilan na kailangan daw sundin:

1. Bawal magbasa at magsulat.
-So, paano ang social media post o pagtext sa pag announce sa mga kamag-anak at friends? Bawal. Wag mag-cellphone. Para daw ito hindi mapagod ang mga mata.

2. Bawal magbutingting at magkutkot.
-Huwag daw muna manahi o mag-ayos ng mga maliliit na bagay kasi dahil parin daw sa mata.

3. Bawal manood.
-TV, cellphone, tab, laptop. Lahat. Bawal.

4. Bawal magsuklay
-Para naman daw hindi mabanat ang anit? May ganun ba? Finger comb lang daw lagi.

5. Bawal maligo.
-Mortal na kasalanan ang maligo kapag bagong panganak. Kailangan at least 1 or 2 weeks bago ka makapaligo at hindi basta-bastang normal na ligo. Mamaya ipaliwanag ko.

5. Bawal humawak ng buhay na tubig.
-Buhay na tubig meaning yung tap na umaagos sa gripo. Kailangan daw maligamgam at “pinatay” ng mainit na tubig.

6. Bawal ang uminom ng malamig na tubig.
-Bawal din daw lalo na yung nagyeyelo? Naku lagot.

7. Bawal mahanginan.
-Sorry ka kahit mainitan ka. Bawal kang matutukan ng hangin.

8. Bawal maggupit ng kuko.
-Maghintay ka hanggang 2 weeks bago mo magupitan ang kuko mo kasi nga baka mabinat ka.

9. Bawal ang lumabas at gumala.

10. Bawal ang paggawa ng mga mabibigat na gawain.

Kung susumahin, bawal sa bagong panganak ang maging maganda at bumango. Hahaha. Ang tanong, sinunod ko ba iyan lahat?

Oo.

Kahit na nagsusulat ako sa journal, ilang linggo kong ipinagpaliban yun. Hindi rin ako gaano nakikipagtext o nag-oonline. Hindi rin muna ako nakapagtrabaho lalo na mabusisi ang mga ginagawa ko. Hindi rin ako gaanong nanood ng tv. Hindi ko pinapagod ang mga mata ko. Hindi na iba sa akin ang hindi pagsuklay dahil sadyang hindi naman ako nagsusuklay kung hindi bagong paligo o lalabas ng bahay. Hindi rin ako gaanong gumagawa ng mga mabibigat na gawain, pero sa pangatlong anak kailangan ko ng kumilos kasi wala akong kasama. Hindi ako naggupit ng kuko, hindi nagpapahangin at palagi pa nga akong naka pajama at medyas. Higit sa lahat, hindi din ako naligo. Kadiri man pero sinunod ko. Para sa akin kasi, wala naman masama kung susunod. Malagkit pero hindi naman ako umalingasaw o nilangaw.

Sa panganay ko, dahil normal ang panganganak ko, kinailangan akong hilutin. Two weeks pagkapanganak, hinihilot para daw maibalik sa posisyon ang balakang. Bumili muna ang asawa ko noon ng mga dahon na “pampaligo” sa may Quiapo at iyon ang inilaga. Sari-saring mga dahon yon, pakiramdam ko ipapakbet ako dahil ang dami talaga. Yung pinagkuluan ang ipinaligo sa akin tapos yung mga maligamgam na dahon, inupuan ko para daw “malanggas” ang sugat ko kasi may tahi ako at nagupit. Matapos nun, araw-araw naman na akong naliligo pero maligamgam na tubig parin na may tsaa. Mga isang buwan kong ginawa yun.

Anu-ano daw ba ang senyales na nabibinat? Ang sabi, meron daw na may matinding sakit ng ulo, paglalagas ng buhok, panginginig ng mga muscle, pagpikit-pikit, paglabo ng mata, palaging pagkahilo, masakit na puson, at yung minsan na may lumalabas daw na hangin sa may pwerta. Iyun nga, may iba na mas malala na nababaliw daw at namamatay. Nakakatakot pero alam naman natin ang mga matatanda.

Marami na sa mga nanay ngayon ang hindi na naniniwala sa mga ganito. Pagkapanganak nga e nasa labas na agad, naka postura, nakapost sa social media. Hindi na natin maipipilit na sundin pa nila ang mga makalumang paniniwala na ito pero hindi rin naman natin maikakaila na di hamak na mas matatagal ang life span ng mga naunang henerasyon kumpara sa atin at kahit may edad na sila ay wala sila gaanong nararamdaman sa katawan nila. Dahil nga ang sabi nila e wala pa raw mararamdaman sa ngayon pero sisingilin ka rin daw ng binat pagdating ng panahon.

Wala rin namang scientific na batayan ang mga pamahiin na ito kung direkta nga bang nagiging dahilan sila ng mga nasabing epekto. Sa ngayon, ang paliwanag lang sa paglalagas ng buhok ay ang biglang pagbabago ng hormones. Bukod pa dun, meron ngang ibang naaapektuhan ang mental health dahil naman sa Post Partum Depression.

Maniniwala ka ba sa binat o hindi? Kakayanin mo bang sundin ang mga ito? Basta ang alam ko lang, hindi talaga biro ang pinagdadaanan ng katawan ng isang babaeng nagbuntis at nanganak. Hindi biro ang biglang pagbabago ng hormones sa isang iglap, hindi biro ang ginawang trabaho ng katawan para makabuhay ng isang sanggol, at lalong hindi biro ang pinagdaanang sakit, hirap, at stress ng katawang bagong panganak. Kaya sa tingin ko, itong mga pamahiin na ito ay kahit papaano nakafocus din na makapagpahinga maigi ang isang ina nang walang sagabal.

Akala natin marami ang bawal pero kung iisipin natin, mga distractions lang naman talaga yung ibang ipinagbabawal diba? Dapat naman sa mga bagong panganak na makabawi ng energy at magandang panahon na rin ito para matutukan ang kanyang bagong silang. Bigyan natin ng panahon ang katawan natin na tuluyang maka recover sa lahat ng mga pagbabagong naranasan natin sa loob ng siyam na buwan.

Advertisements

4 thoughts on “Binat Pagkapanganak: Gaano Katotoo?

  1. ymhej says:

    Siguro kung may sinunod ako dito, yun e yung hindi maligo ng ilang araw lang after manganak kasi siyempre takot akong makita ung tahi ko. Haha. Pero nung medyo ok na niligo ko na! Di ko keri ang init. Hehe. Madali naman sabihing magpahinga muna pero kung alam mong may kailangan kang asikasuhin sa bahay at wala namang ibang gagawa, wala ka din choice e.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.