Four Leaf Clover

Ber months na. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at bigla akong napasulat. Lahat ng ito ay basta ko nalang tinatype.
Basta ko nalang sinasabi.
Basta ko nalang inilalabas.

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko ngayong araw.

Sari-saring emosyon ang kailangan kong labanan. Maraming bagay nanaman ang kailangan kong pag-isipan. Mga kinabukasang kailangan kong paghandaan.

Pero sa kabila ng lahat ng mga takot, pangamba, pagtataka, at pagkakaroon ng mga agam-agam, may isang bagay na biglang pumasok sa isip ko.

Isang four leaf clover.

Kasabihan na ang pagkakataon na magkaroon ng apat na dahon ang isang clover ay swerte. Bukod pa dito, sinisimbolo nito ang apat na bagay : Faith (Pananampalataya), Hope (Pag-asa), Love (Pag-ibig), at ang panghuli na Luck (Swerte).

Kailangan siguro na lakasan ko pa ang pananampalataya ko, na kaya nangyayari sa akin ang mga bagay na nararanasan ko ngayon ay dahil ito ang mga dapat kong pagdaanan para lalo kong makilala ang aking sarili at malaman ko kung hanggang saan ba ako aabutin ng pananampalataya kong may mga plano ng nakahanda para sa akin.

Pag-asa. Huwag mawawalan ng pag-asa. Isang napakagandang paalala sa akin na hindi ako dapat mawalan ng pag-asa sa buhay. Na kailangan ko pang mabuhay. Na may mangangailangan sa akin. Na mayroon akong maganda at mabuting magagawa. Muli ay pinaalalahanan ako na may rason pa para labanan ang lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay at sikapin na maging matatag para magpatuloy.

Ang pag-ibig hindi lang mula sa minamahal kundi pati na sa mga anak, pamilya, at mga kaibigan. Isa sa mga ipinagpapasalamat ko ay ang pagpayapa ng puso ko at nalaman ko kung sinu-sino ang mga tao na tunay na nagmamahal sa akin. At naging mahalaga sa akin ang lahat ng ito dahil nakatulong ito para mahalin ko rin ang aking sarili at nang maiparamdam ko rin sa mga mahal ko ang pakiramdam kung paano ang pagmamahal na puno.

Huli na ang swerte. Siguro, oo maswerte ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na magawa ang mga bagay na hindi kaya ng iba. Kaya hindi ko sasayangin ang swerte ko ngayon dahil hindi naman araw araw ang dating nito sa buhay ng isang tao.

Yun lang haha. Inaantok na talaga ako. Kailangan ko ng matutong matulog nang mas maaga. Pero ayun. Nailabas ko na rin sa wakas. Basta ‘wag susuko at ang palaging isipin nalang ay minsan lang tayo siguro makakakita ng totoong Four Leaf Clover. Pero sana lahat ng pagsubok ay kayanin naming dalawang mag-asawa nang magkasama.

Tas ending waley pala tong mg pinagsasabi ko ano. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Advertisements

3 thoughts on “Four Leaf Clover

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.