Back to School Preps + First Week

Kapag sinabing “may estudyante ka na”, hindi pwedeng hindi ka handa kapag papasok na ang buwan ng Mayo at Hunyo dahil heto nanaman at panahon na ng pasukan sa eskwela. Mapa-pribado o pampublikong paaralan man yan, gagastos at gagastos parin para sa pangangailangan ng mga bata.

Ngayong taon, magsisimula na yung panganay ko sa intermediate level, Grade 4 na sya. Yung pangalawa ko naman elementary na, Grade 1. Kaya milestone nila ito parehas. Hindi ko pa rin lubos maisip kung gaano kabilis ang panahon at dalawang taon pa, may Junior High na ako.

Moving forward, haha! Ayokong pag-usapan ang edad pero bata pa naman ako.

Naghanda kaming mag-asawa para sa pagbabalik eskwela ng mga anak namin. Well, sya mostly yung part ng paghahanda ng pera at ako yung sa paglilista, pagtuturo ng mga bibilhin, at gagawin haha, ganyan ang cooperation! Nag-decide kami na sa Divisoria mamili ng uniforms. Last year, sa mall kami bumili ng mga gamit ng mga bata dahil kapos kami sa oras. Pero ngayon, medyo maaga kami nagka-budget kaya pumunta na kami sa Divi kasama ang mga bata. Mas makakamura din kasi kami.

Bumili kami ng polo jacket, tig-tatlo silang magkapatid. Yung tela, Clothman kasi kapag yung ordinary na tela, manipis at naninilaw. Hindi ganun kalamig sa classroom ng mga anak ko pero gusto ko kasi yung mukhang maayos sila at maputi yung damit nila kahit nakailang laba na, hindi pa madaling malukot pag pinlantsa. Ganitong klase din ang binili ko kasi para may magamit pa next year. Sabi ng mama ko, yung ordinary nalang ang bilhin. Mas mura daw saka sa susunod edi i-dispose at makabili uli ng bago. Para sa akin naman, di na bale na gumastos ako ng konti pa para sa quality ng tela, magagamit pa naman uli sa susunod na taon. Kesa babalik uli ako sa Divi next year, pamasahe at pagod nanaman tapos baka mas mataas na ang price. Saka mura na tong nabili namin compared dun sa binebenta sa mall. Php150 each ang bigay sa amin, St. Anthony brand. Kilala ko na itong brand na to, maganda ang quality kaya ito ang hinanap ko rin talaga sa tindera.

Dati, may nabili kaming polo jacket ni Adrhei pero Peachtwill ang tela. Ang pros nya, madali plantsahin, malambot, maputi din naman, at makapal. Kaso ang ayoko e madaling magnisnis. Bukod don, okay din naman yung Peachtwill na tela para sa uniform. Kay Alden naman noon, Cotton ang tela ng polo jacket nya. Maganda din naman para sa akin. Medyo mahirap lang labhan kapag nagka stain kasi kumakapit sa tela. Buti nalang hindi gaanong madumi sa damit si Alden. Parehas St. Anthony din ang tatak ng Peachtwill at Cotton polo jacket, binili ko yun nung Kinder si Alden at Grade 2 naman si Adrhei. Inulit nila last year. Maayos pa naman, hindi nga ako bibili kung di lang maiksi na sa kanila.

Sa shorts, hindi sana ako bibili pero bumili na rin kami kasi gusto ng asawa ko may sobra. St. Anthony din ang tatak, repellant daw ang tela non sabi ng tindera. Php150 din ang isa. Hindi ako pamilyar sa mga tela ng shorts, pero makapal itong nabili namin. Dati naman, ang mga gamit nilang tatak ay yung Nelson. Maganda din ang quality non. Last year lang kami bumili ng shorts, yun ngang sa mall. Garfield ang kay Adrhei pero dahil malikot, ayun ang dami ng nisnis. Kay Alden naman Freego, maganda pa dahil hindi nga sya maharot. Again, mas mahal ang mga nasa mall kumpara sa Divi talaga.

Next na binili naman namin ay mga back towels. Isang dosena na ang binili ko. Last year, bumili din kami nito ng isang dosena pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari bakit pagtapos ng taon e lima nalang ang natira. Php150 din ang bigay ng tindera. Bumili na rin kami ng tig-isa nilang white Tshirt para pang P.E., Php75 ang isa. Kentucky brand naman ito. Yun lang naman din ang brand ng gusto ko, either Kentucky or Blue Corner.

Hindi na kami bumili ng mga puting sando panloob ng mga bata dahil marami pa sila at maaayos pa naman yun. Pati brief nila, last year lang naman binili yun kaya maayos pa. Bale sa isang tindahan lang namin binili ang mga yan, ang total na binayaran namin is Php1400, nakatawad kami kahit konti. Pagtapos ay bumili na rin kami ng medyas doon sa gilid, 3 pairs Php50, bumili kami ng dalawang set. May mga binebentang maganda at makapal ang tela, piliin nyo lang maigi.

Sunod ay sa mall na kami bumili ng sapatos. Yung sapatos nila last year, hindi pa sira pero hindi na rin maganda ang shoes ni Adrhei dahil sadyang malikot sya. Wala pang butas ang suwelas, hindi pa naman nakangiti pero di narin kaaya-aya ang hitsura. Yung kay Alden naman, maayos na maayos pa pero hindi na kasya.

Meron na ngayon na lumalabas, parang leather shoes ang hitsura pero rubber sya. Gawa ng World Balance, yung Easy Soft na line nila. Magaganda naman. Ganito yung pinili namin kasi umuulan ulan, kapag leather mababasa at masisira. Mura din sya compared sa leather. Yung last year na binili namin, Tough Kids ang tatak, Php500-600 na yun. Ang Easy Soft nasa Php399 per pair. Sayang din ang isang daan diba. Yun nga lang, Ben10 ang nabili kong tatak haha! Same price lang at same ang gawa, rubber din. Wala kasing size sa Easy Soft, siguro konti lang ang stocks nila.

Hindi na kami bibili ng bags nila kasi maayos pa yung mga bag nila from last year. Saka hello, medyo mahal yon, sulitin nila ang bayad haha. May rain coat na rin sila, baunan. Wala lang silang tumbler dahil hindi ko din alam bakit sa isang taon e nakaka tatlong tumbler sila. May nakita akong Php160 na buy 1 take 1 tumbler sa grocery, Home Gallery ang tatak. Okay na yon kesa mamahaling tumbler tapos iwawala lang nila o ibabagsak tapos basag nanaman.

Yung school supplies nila, konti lang naman ang kailangan. Sabi ko sa asawa ko, sa palengke nalang sa bayan kami bumili pero wag na daw dun. Sa isang maliit na bookstore kami bumili ng mga kailangan. Bumili lang kami ng 20pcs notebooks, mga lapis, pad paper, ballpen, marker, crayons, plastic envelope, shoe rag, stapler, staple wire, adhesive tape, saka yung nirequest ko sa asawa ko na mechanical desk sharpener.

Gusto kong sharpener ito kasi hindi aksaya sa pencil, konti lang ang nababawas sa kahoy tapos tumutulis na agad ang dulo kumpara sa manual na sharpener. Minsan pa nga pag matulis na, mababali diba? Tasa ng tasa hanggang maupod na ang lapis. Pero, sabi ko sa mga anak ko ako lang ang magtatasa ng pencils nila nila dahil ayokong masira agad ang sharpener. Kilala ko kasi sila na mahilig magharot at mangalikot ng mga gamit, masisira lang sa kanila. Hindi ako mapanghusgang nanay, alam ko lang dahil kilalang kilala ko na sila haha. Umabot ang binayaran namin sa Php770.

Sunod ay nagpagupit naman sila para syempre pogi pagpasok sa unang araw ng eskwela. Undercut lagi ang gupit ng mga anak ko pero ngayon, pina-barbers ko na medyo mataas sa ilalim. Pina-iksian ko na rin yung sa itaas para malinis tignan.

Si Alden ang kumuha nitong photo. Tinawag at sinabihan nya ang kuya nya na “Boy Gwapo” kaya napangiti ang kuya nya.

Huli naman namin binili ng mga pambaon nila. Hindi na ako nagpapabaon nung mga cupcake o brownies, kanin-ulam at sandwich ang mga ipapabaon ko sa kanila. Bumili kami ng ilang frozen goods saka mga pwedeng ipang palaman.

Naglaro din sila saglit sa arcade na lagi nilang nilalaruan. Matagal na kaming nakakaipon ng tickets at umabot na sa 1200, kaya naredeem na namin yung bola na worth 1100. Tuwang-tuwa sila kasi matagal na rin silang nagpapabili ng bola. Ayan at least may napuntahang maganda yung mga tickets na naipon nila.

Basketball ring nalang!

Ang kulang nalang? Mag-aral sila nang mabuti. May deal sila sa daddy nila na kapag maayos silang uuwi, maganda ang grades, at palaging nagsusulat ng notes, may reward sila. Hindi kami madalas mag reward sa mga bata pero this time, gusto kasi talaga nila Adrhei yung Lego set na sumbarine ba yon o barko at spaceship, kaya naisip ng daddy nya na i-motivate sya para makuha nya yung gusto nya. Si Alden naman, yung scooter. May ibang parents na magsasabing hindi kailangan ng kapalit para lang i-modify ang behavior nila, pero this time sila na ang may gusto nito kaya let them be, okay? Sila na ang nagsabi, sila mismo ang nag-set ng ganung deal.

Kamusta naman ang first week ng klase?

Ang laki na nila huhu

Si Alden, whole day ang class. Medyo nagkagulo pa dahil sa dami ng mga enrolees na hindi naisulat kaya di pa alam ano ang section nya. May mahaba syang vacant time kaya pinadalhan ko sya ng reading book at coloring book plus yung mga color pencils nya para magbasa sya at mag-color pag vacant period. Ang nangyari, ayun, nawala yung color pencils nya kasama yung bagong crayons nya at crayon case. Third day ito ha. Pinigil ko nalang ang sarili ko na magalit. Umuuwi naman syang malinis pero one time madungis kasi hinarot daw sya nung kuya ng classmate nya. Binuhat daw sya pero kumapit sya sa gate, binitiwan sya at tumama ang mukha nya sa gate kaya may maliit na pasa. Naiwala na rin nya yung dalawang towel nya. Nauubos nya naman ang pagkain nya, kaso lang pag-uwi nya inaantok talaga sya. Ayoko sanang patulugin kasi alanganin na ang oras.

Si Adrhei, himala naman na nagsusulat na nga sya. Sana magtuloy-tuloy. Kaso dahil composition notebook na ang gamit, ang liliit ng sulat. Second day, umuwi ng madungis! Hindi naman kagaya ng dati pero marumi parin. Kawawa rin sila dahil bago ang building nila, inilipat sila sa kabila. Wala silang fan at ang hangin lang daw nila e ang hangin galing sa labas. Malayo din ang nilalakad. Tinanong ko sya kung sinu-sino ang mga classmates nya parin, classmate nya uli yung bully na nananapak sa kanya last year. Sabi ko wag na nyang lapitan. Tinanong ko rin kung classmate ba nya yung crush nya, hindi daw. Nasa baba daw yung classroom ng crush nya. Tinanong ko kung sino, hindi naman sinagot. Tapos nahuli ko sya nung sumunod na araw kasi tinanong ko uli sya kung classmates pa ba nya yung mga binanggit kong pangalan. Nung mabanggit ko yung lumang crush nya, sumagot sya na “hindi na nga po diba po sabi ko sa inyo nasa baba na sya.” Kaya nagulat ako, haha. Sabi ko, “So yun yung crush mo?! Yun parin? Di ka naman ata crush non, wag na yon ang crush mo, mag move on ka na don” Ayun haha, hindi naman ako kunsintidorang nanay pero kung crush lang naman ba e. Alam naman nya na ayoko talaga yung idea na manliligaw sya o magkaka girlfriend girlfriend jusko. Mag-aral muna sya. At yung bagong shorts? ayun, wasak. Hindi ko alam paano nya nawasak yung pundya ng shorts nya. Pero bibilhan namin sya ng pants dahil pants na raw ang suot ng classmates nya at hindi na shorts. Pansamantala, yung lumang Garfield na shorts muna ang ginamit nya. Madumi na rin ang sapatos jusko. Minsa umuwi, puro putik ang towel.

Bukod dyan, merong mga lukot na notebook, punit na pages. Mga lumang books na kailangan ng saklolo, si Alden naubusan ng books. Nametags na baligtaran, at balik sa routine ng pagliligpit pagkauwi. Bawal na sila sa TV kapag may pasok, bawal din maglaro. In-adjust ko narin ang bedtime to 8pm. Mahigpit dapat ngayon kasi sumobra na luwag ko last year hanggang bakasyon.

Monday baon nila, Rice+Chicken Nuggets saka biscuits. Tuesday, Rice+Hotdog at Peanut Butter Sandwich. Wednesday, Rice+Burger Steak and Egg/Mayo sandwich. Thursday, Rice+Skinless Longanisa plus Pandesal and Scrambled Egg. Friday, Rice+Rotisserie Chicken Omelette at Champorado. Sa ngayon, puro instant ang ulam nila pero next time susubukan ko na talaga na magluto from scratch. Nangangapa pa kasi ako haha. Wala na nga akong panahon na picturan kasi natataranta na ako pag umaga, hindi ko na alam paano gagawin ko dahil ngayon lang sila nagsabay na dalawa, hindi gaya dati na nauuna si Adrhei pumasok tapos si Alden. Saing, luto, prepare, paligo, bihis, ayos, check ng gamit, tapos magtotopak pa si Alyana, nako. Nako talaga.

So ayan, yan lang ang nangyari, sana hindi lang ngayon itong sinimulan nilang interes sa pag-aaral. Dahil wala na akong ibang maibibigay pa sa kanila kundi lahat yang panahon at effort na yan para masigurong magkaroon sila ng magandang buhay balang araw. Bukas, panibagong linggo nanaman. May dalawang holiday kaya may dalawang extrang araw din akong pahinga.

Advertisements

3 thoughts on “Back to School Preps + First Week

    • Aubrey says:

      Ayaw ko jhem kasi iniiwasan ko baka mamaya mapanis. Kaya umaga ko talaga pineprepare. Hanggang 2pm si alden, si drhei 3, kaya ayoko i-risk yung ganun hehe. Mas okay na ako na alam kong bagong luto lang yung pagkain nila

      Liked by 2 people

  1. Thea says:

    Mars grabe naaalala ko si mama dati 4 kaming sabay sabay. 1 college, 1 highschool, 1 gradeschool tapos ako kinder hahahaha nakakaloka siguro yun!! di pa yata ako ready mag anak mars kasi yung pagpasok sa school nakakalowkaaa hahahahha

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.