Saan Aabot ang Php10k Mo?

Ayon sa NEDA, kapag ang isang pamilya ay kumikita ng Php 10,000 sa isang buwan, hindi raw maituturing na mahirap?

2018? WOW. Wow lang. Kumbaga sa millenial slang, shookt ako at triqqrd.

Hindi ko rin naman talaga maituturing ang sarili ko na mahirap, alam ko na mas marami pang ibang pamilya na isang kahig isang tuka para lang makaraos sa pang araw-araw na pamumuhay. Pero ang sampung libo na budget para sa isang pamilya na may limang miyembro – NKKLK. Masakit sa utak, hindi ko na maimagine. Ibig sabihin, ako bilang accountant at taga-budget ng pamilya e kailangang pagkasyahin ang Php333 sa isang araw? Paano? Ha? Paano? Sabihin nyo? Open minded ako. Kailangan ko ng ganyang klase ng black magic.

May pinakita silang sample e, bigyan natin ng chance at tignan nga natin.

640_budget2_2018_06_05_20_15_22

may budget pa talaga sa pang alak at yosi, saan yang Php65 na alak? At ang upa?? Saan yan please, let me know.

16058

photo credit: http://www.gmanetwork.com/news/money/economy/655811/can-a-family-survive-on-p10-000-a-month-neda-shows-how/story/

Pasok ba sa 10k? Oo.
Makatotohanan ba ang values? HINDEEEE.

Huwag tayong maglokohan, alam natin pare-pareho na nagsisinungaling ang mga numerong yan na hindi ko alam kung saan nanggaling. Sige, sabihin na natin na nakakuha nga kayo ng ganyang datos, pero saan nyo kinuha? Paano?

Explain lang ako ha, ayoko sana i-broadcast pa ang financial status namin pero tutal naman ito ang topic, sakto tatlo ang anak ko, at bilang ang tagline naman ng blog na to ay ang buhay ko na isang tipikal na Pinay na maybahay e i-share ko na lang din sa inyo yung tipikal na gastusin namin para ma-justify ko kung gaano kahirap mamuhay sa sahod na 10k sa isang buwan.

Ang sinasahod ng asawa ko sa isang araw ay Php600 lang. Sa anim na araw niyang pasok sa isang linggo, may Php3,600 sya. May mga araw na wala silang pasok o di kaya holiday kaya ipagpalagay nalang natin na sarado nasa Php 14,000 ang sinasahod nya sa isang buwan.

4,000 – Allowance ng asawa ko
1,000 – Bigas
4,000 – Budget sa ulam
3,000 – Grocery
1,000 – School service
1,000 – LPG / Purified Water

Hindi mo kailangan maging magaling sa Math para hindi mo makwenta yan. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ng iba sa ganyang klaseng budget allotment namin pero para sabihin ko sa inyo, nakakabaliw na magbudget ng ganyang halaga para mamuhay ng hindi nag-iisip maigi kung ano ba ang mga basic na pangangailangan at isantabi nalang lahat ng luho at gusto lang.

Ang allowance ng asawa ko, pangkain at pang-gas na nya sa motor na ginagamit nyang service sa trabaho. Walang extrang budget para kung masiraan sya, maflat-an, magparehistro, o magrenew ng lisensya. Sa bigas namin na halagang isang libo, dyan ko na rin kinukuha ang baon ng mga ank ko dahil imbes na baunan ko sila ng mga biscuit o pera, kanin nalang at ulam. Ang 4k isang buwan na ulam o 1k na budget sa isang linggo ay di biro. Ibig sabihin nito, kailangan kong magpakain ng almusal, tanghalian, hapunan, at merienda para sa limang tao sa halagang 150 sa isang araw? Kaya hindi na nga kami nagme-merienda, tanghalian at hapunan nalang na isang klaseng ulam lang dahil hindi na kakayanin ng budget ang magkaibang putahe. Swerte pa kung may matira sa pera para may pambili ng itlog pang almusal. Ang 3k na pang grocery namin, sobrang tipid at piling-pili lang. Kape, gatas, juice, asukal, tinapay, sabong panlaba, panlinis, toiletries, seasoning, condiments. Hindi pa nag-gagatas sa bote ang bunso ko at nagdi-disposable na diaper nyan ah, pano pa kung ganun ang lagay? Kailangan kong sumunod sa listahan ng mga bibilhin na mahigpit ko pang pinagpilian kung ano ba ang mas kailangan. Kundi, walang mapupuntahan ang tatlong libong pang grocery ko. Hindi nag-aaral sa private school ang mga anak ko, pero kailangan nila ng school service dahil medyo malayo ang school nila mula sa bahay. Mabuti nalang at ang asawa ko ang naghahatid sa kanila sa umaga at ang binabayaran namin ay ang pagsundo sa kanilang dalawa kaya 1k lang sa tricycle kundi mas malaki pa ang babayaran namin para sa hatid/sundo sa dalawang bata at mas malaki pa ang gastos kung hindi naman ako magpapa-service. Wala akong extrang budget kung sakaling may school projects sila o extra school supplies na kailangang bilhin. Ang natitirang pera ay allowance namin para sa tangke ng LPG na monthly din ang konsumo namin saka pambili ng purified water dahil hindi pwedeng inumin ang tubig namin dito na mula sa tangke ng subdivision at may halong chlorine. Wala na kaming extrang panggastos kung may magkakasakit, may kailangang gamit, damit, o maski pang lakwatsa at ibang luho.

Pansin nyo na wala sa computation ang bahay? Wala kaming binabayarang upa dahil pinapatira kami ng Tita ko dito sa bahay nya at sya ang nagbabayad ng utilities namin worth 3k. Ang kuryente nasa 1,300. Wala kaming aircon, puro electric fan lang, tv, cellphone, laptop, ilaw, ref, washing machine. Tubig nasa 300-400. Ang internet, naka bundle sa cable na 1,300. Noon, 20k ang sahod ng asawa ko at nangungupahan kami, halos parehong gastos lang at may upa kami na 3,000 saka kuryente at tubig na 1,500.

Anong point ng mga sinasabi ko at pagkkwenta ko? Oo, mabubuhay ang isang pamilya sa sahod na 10k. Bakit hindi? Pero isang klase ng pamumuhay na naghihirap, nagugutom, at mababa ang kalidad ng edukasyon – o baka nga hindi na nakakapagpaaral dahil sa mahal na rin ang magpaaral ngayon. Maswerte ako dahil may nasisilungan pa ako na maayos, may kaunting gamit, at hindi nagkakasakit ang mga bata, kundi paano na kami? Kung hindi lang sa commission ng asawa ko sa trabaho nya, hindi kami magkakaroon ng pambili ng ibang gamit para sa mga bata o makaranas na makakain sa labas minsan. Oo, nabubuhay kami pero hindi kami namumuhay nang komportable. Hindi ako kampante na gumasta ng sobra-sobra dahil kailangan kong isipin maigi kung saan ko ilalaan ang kakaunting pera na hawak ko. At 14k na yan ha, hindi pa nga yan 10k. Hindi pa rin gaano nagsisilakihan ang mga anak ko at nasa elementary palang ang mga estudyante ko. Paano na kapag mas matakaw na sila at mas marami na ang kailangang pagkagastusan.

Kaya sa kung sino man ang gumawa ng sampung libong budget na yan e hinahamon ko talaga kung paano nya mabibigyan ng hustisya ang sinasabi nyang Php10,000 na monthly budget ng isang pamilyang may limang miyembro. Sa ngayon, hahahaha nalang muna at subukan nyo kaya lumagay sa katayuan ng iba bago nyo sabihin na hindi sila mahirap. Kapag nalampasan nyo ang isang buwan na may pinapakain pang apat na bibig sa ganyan kaliit na halaga nang hindi kayo nahihirapan, saka ko siguro babawiin at kakainin lahat ng mga sinabi ko at bibigyan kayo ng isang masigabong palakpakan.

Seryoso, itry nyo.

 

signature

Advertisements

20 thoughts on “Saan Aabot ang Php10k Mo?

  1. Monch Weller says:

    Alam mo naman pag aircon ang opisina at garantisado ang security of tenure (at may pension ka pa pag nag-retiro salamat sa GSIS), halata mong hindi makatotohanan yung mga nilalagay nilang numero.

    Yung sa damit at sapatos pa lang, kagaguhan yung P293. Maliban na lang siguro kung ang damit at sapatos ay galing sa ukay-ukay.

    Liked by 2 people

    • Aubrey says:

      true! Bra at panty pa lang, magkano na? Ngayon, binabawi na nila ang statement nila haha! hindi ko alam san talaga nila nakuha yung mga values na yan, may budget pa for recreation ha Php141? Sa Luneta Park siguro yan, libre stroll habang kumakain ka ng pandesal at may baon na tubig

      Liked by 3 people

  2. RheaAngeline says:

    Nakakaloka ang cost breakdown ng NEDA, wherein personal care and health equal to education. Hindi ko na ninamnam ang iba pa. Ayoko nang mag-check kung magkano ang budget ko in a month dahil sa housing pa lang, cannot be na ang 10k. Haha. Take note, mag-isa lang ako. Wahahaha. NKKLK.

    Liked by 2 people

    • Aubrey says:

      NKKLK talaga mamsh, di ko alam paanong witchcraft ang ginawa nila para makaabot sa ganyang klaseng breakdown, kahit yata ang pinakamagaling na accountant at pinaka kuripot na Pilipino sa buong mundo, hindi kakayanin ang ganyan

      Liked by 2 people

    • Aubrey says:

      Natakot yata yung mga tiga-NEDA sa extra challenge ng “hindi mahirap” na Pilipino kaya binawi nila yung sinabi nila haha. Sabay kabig sa statement e. Qiqil tayong mga hindi mahihirap

      Liked by 1 person

  3. theallcapstams says:

    Pareho kami ni hubby na nagwowork (full time) and almost 40K a month ang kinikita pero sa dami ng bayarin at gastusin (minus na yung savings), di talaga kakasya.

    Kalokohan ang sinasabi ng NEDA parang di man lang nag-research, actually di na nga nila kailangan i-research pa yan eh. Yung pang-araw araw nga lang na pamumuhay mo ramdam na ramdam mo na na mahal ang lahat. Bawat kibot may gastos.

    Liked by 2 people

    • Aubrey says:

      binawi ng neda, marami kasing umalma haha nilinaw nila yung totoong guso nilang ipakita sa 10k na budget

      kulang talaga kahit ba mataas na 5 digits ang sahod, paano pag may babayarang bahay o sasakyan, pampaaral sa mga anak, at savings, pati health insurance, yan ang wala akong budget sa totoo lang pero kailangan na kailangan

      Liked by 1 person

        • Aubrey says:

          ang definition nila ng poverty ay yung talagang salat na salat na at nagdidildil nalang ng asin para makaraos sa pang araw-araw, na base din sa research nila ay mababa ang porsyento 😦 nakakalungkot talaga na di naman aware yung mga matataas na tao sa totoong kalagayan ng nasasakupan nila

          Liked by 2 people

      • Bawal ang Mahirap says:

        Magkaiba ang poverty threshold sa living wage. Noong 2015, ang poverty threshold ay nasa Php 9,064; kaya kung isasama ang inflation rate sa nakalipas na 3 taon, masasabing sapat na ang Php 10,000 para sa pamilyang may 5 katao. Sa relocation site sa Rizal province, sobra na ang Php 1,288 para sa buwanang hulog sa pabahay, pero mas mahal din naman ang pamasahe sapagkat malayo ito sa Maynila. Budget lang iyan ng mga marunong magtanim ng gulay at mag-alaga ng manok sa sariling bakuran, kakain ang pamilya ng 1 kilo ng NFA rice kada buwan, nilalakad lang ang lugar ng trabaho o eskuwela, kung ang kuryente ay nasa P300-400 kada buwan, iniigib lang ang tubig, at aasa lang sa health center o medical mission kung may magkakasakit sa pamilya. Mura lang din ang damit dito. Walang kahit anong luho at bisyo sa katawan, kahit pabili ng mga anak except if need talaga hindi pagbibigyan para makatipid. Black and white lang ang cellphone at ang load na P15 tutal pwedeng patagalin ng 1 taon kaya di pwedeng tawag ang pag text kapag sobrang importante lang. Makakaipon pa iyan kahit papaano siguro nasa P1k.

        Like

  4. Sasa Tabing says:

    Truth! kanina lang, nag usap kami ni hubby tungkol sa budget kasi shookt din ako sa mga gastos, bilang hindi ako ang naghahawak ng pera wala akong idea kung hindi nya sasabihin sakin. grabe! hindi kami mayaman pero ang laki ng nagagastos namin sa isang buwan. kaya naman napag usapan namin mag budget na talaga! ako mismo maghahawak! at sa totoo lang nahihirapan na ako! kaya ung 10k na budget! imposible yan mangyari! ang mamahal ng bilihin ngayon.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s