Operation Clean Home

27c50bec6a8f4906c32a445129ba99d5

from Pinterest

Unang tatlong buwan ng 2018, nag-concentrate ako kung papaano ko mapapanatili na maayos at malinis ang bahay. Hindi naman ako ganun ka-consistent. May panahon parin na ang tamad kong magligpit o may kailangan akong puntahan at gawin kaya natatambak ang trabahong bahay.

Siguro, iisipin ninyo na “ang laki siguro ng bahay nito at hindi nya malinis-linis” 

Maliit lang ang tinitirhan namin, kayo naman. Nakikitira lang kami dito, parang kami yung caretaker ganun. 80 sq.m, isang kwarto, isang banyo, medyo maluwag na living area, at kitchen and dining, may space sa gilid para sa laundry area at garahe, at may maliit na space sa harap na parang veranda. Tipikal na bungalow style na bahay sa isang subdivision. Dalawang taon na mula ng lumipat kami dito, at sa dalawang taon na yun, marami na rin ang naipaayos at naidagdag dito sa bahay kaya mula noon, paiba-iba din ako ng ayos at lipat ng mga gamit.

Isa sa mga goals ko nitong bagong taon ang panatilihin ang pamamahay na maayos. Hindi ko rin alam kung bakit sa liit nito ay hindi magawan ng paraan para mapanatili na malinis. Maya’t-maya kailangan magligpit, maglaba, maghugas. May kailangang ayusin, palitan, linisin. Mahirap din kumilos lalo na kung walang ibang kasama sa bahay para magbantay ng baby. Dapat kabisado ko na ‘to lalo magsasampung taon na akong nanay, pero hindi. Parang wala akong nagagawa haha! Sabi nila, ang bagal ko raw kasi kumilos. Sabi naman ng asawa ko e ang tamad ko raw. E wala nga talagang mangyayari.

So, housewife na nga lang ako, wala akong ibang kailangang atupagin at asikasuhin kundi mga gawaing bahay at mga bata. Naisip ko, kung di rin lang naman ako makawala sa ganitong sistema edi ayusin ko nalang diba? Galingan nalang. Gamitan ng organization skills haha! Kaya mula nung January, inuti-unti ko na i-organize yung mga gawain at trabaho ko dito sa bahay. So paano ko ginawa?

 

Plan
Una, gumawa ako ng schedule para sa mga gawain ko sa bahay at mga activities bilang trip ko talagang gumagawa ng mga listahan at mag plano.

Declutter
Pangalawa, nagkalkal ako ng mga gamit namin at nagtapon.

Organize
Pangatlo, in-organize ko yung mga gamit namin ayon sa kung paanong madaling makita, kunin, at gamitin.

 

Hindi magiging effective ang mga ‘to kung hindi rin lang naman masusundan o mame-maintain. Saka kailangan munang ma-address talaga ang problema kung bakit hindi ko magawa nang maayos ang mga kailangan kong gawin. Kaya na-realize ko na ang dahilan ng mga failures ko ay yung mga bad habits at pagpapalipas ko ng oras. Violator ako ng golden rule na: Do not put off for tomorrow what you can do for today. May time kasi na hindi ko namalayang nababad na pala ako sa internet at social media o kung ano pang mga walang kabuluhang gawain. May time naman na yun nga, may okasyon o bakasyon. May time din naman na nagtatrabaho ako at nagsa-sideline. Pero aminado ako na mas lamang parin yung time na nasasayang kesa sa gumawa ako ng may kabuluhan. Kaya ito ang binigyan ko ng halaga na mabago – ang mga habits ko. Sinubukan ko rin na totoong ilaan ang atensyon at focus sa mga goals ko.

5ca63bfe1b68573766461ee07e0b198f.jpg

TRUTH!

Sabi ng nanay ko, natural lang na magulo ang bahay kasi may nakatira. True, lalo kung panay bata ang laman. Hindi rin naman daw kabawasan kung hahayaan paminsan ang bahay na magulo lalo kung nag-eenjoy naman ang mga bata sa paglalaro. Pero, pwede naman sigurong magligpit pagkatapos nilang magsaya diba? At ang batayan daw sa pagiging isang mabuting maybahay ay ang kalinisan ng pamamahay. Totoo din naman, in a way. Dahil kung may panahon ang isang tao para gumawa ng ibang bagay, may panahon din sya na maglinis ng bahay.

Pwedeng magsaya at maglinis pagkatapos. Maghapon ka na nagtrabaho, nakakapagod, pero kailangan mo parin na maglinis. Sa kabila ng mga positive na kasabihan tungkol sa makalat na pamamahay, ang kalat ay kalat. Kung makalat ang kusina dahil nagluto ka ng masarap na pagkain para sa pamilya, kailangan parin linisin para hindi ipisin o dagain at pagmulan ng sakit. Kung may mga dumi sa sahig at pader dahil naglaro at nagsaya ang mga bata, kailangan parin linisin para hindi sila madisgrasya o makakuha ng mga bacteria. Basa ang banyo kasi pinaliguan ang mga bata? Linisin mo parin kasi baka madulas sila. A messy house means happy kids? Hindi rin siguro. Ang makalat at magulong bahay ay prone sa mga alikabok, insekto, hayop, at pagkakasakit ng mga nakatira dito. No more excuses. Saang lugar ka man nakatira o saan man gawa ang bahay mo, mahalaga ang kalinisan. Marami na rin akong napasok na lugar na kahit maliit o mga informal settlers sila, maayos parin ang loob ng bahay nila. Mas nakakainis kung sobrang liit na ng space mo na parang kwarto na nga lang, magulo pa diba?

Hindi naman kailangan na sobrang masinop ang lahat palagi. Tama na yung mapanatag ka na walang nakatirang ahas sa sulok sa kalat na naipon at hindi makakakuha ng sakit kung may ibang tao na papasok. Dati, naiinis ako sa mga nanghuhusga ng pagkatao base sa kalinisan ng ibang bahay. Nasabihan na rin ako ng kung anu-anong hindi magagandang bagay tungkol sa pagiging makalat ko. Minsang nagkasakit talaga ako at hindi nakalinis ng bahay, may nagpunta. Sinabi ko pasensya na at makalat ang bahay namin, pero parang hindi katanggap-tanggap yung paliwanag ko. Ngayon ko narealize na hindi lang naman siguro yung pagkatao ang tinitignan dun kundi yung kakayahan ng maybahay na alagaan ang mga nakatira dito. Kasi diba, papaano ka makakakilos nang maayos kung ang paligid naman ay magulo? Saka kapag naglilinis, marami kang makikita na kailangan mo palang palitan, kailangang ayusin, at mga bagay na akala mong nawawala. Ang maganda din sa malinis na bahay, kabisado mo ang mga nasa loob. Madali mong mahahanap kapag kailangan, hindi mo na kailangan magsayang ng oras at inis. Mas makakapag-isip at makakapagpahinga ka rin nang maayos kapag maaliwalas ang paligid.

8ce7211897a826050b17231fe5546549

from Pinterest

Kung ayaw mong maglinis, kumuha ka ng kasambahay. Kung wala kang pampasahod, magtiis ka kasi walang ibang gagawa nyan para sa’yo. Oo minsan, pakiramdam ko na parang kasambahay nga lang talaga ako kaya nagrerebelde ako kasi nakakapagod rin naman kumilos ng walang bayad haha! Pero iniisip ko nalang din na kung para sa mga mahal mo, gagawin mo ang lahat. Magsisilbi kahit walang kapalit kasi gusto mo na maging maayos sila, maging komportable. Nakakainis man kapag kaaayos ko lang o kakalaba lang tapos may ligpitin nanaman at labahin, hindi naman matatapos yan kung magrereklamo lang kaya gawin ko nalang din kesa matambakan nanaman. Kung kagaya kita, kapit lang momshie. Lahat naman ng ito ay para ang munting lugar na tinitirhan natin ay maging isang tahanan. Kaya huminga ng malalim at magpatugtog ng masayang music, matatapos mo rin yan.

signature

Advertisements

2 thoughts on “Operation Clean Home

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.