Chocolate Cake Experiments and Homemade Fudge

Habang sinusulat ko ito, kasalukuyang nakasalang yung pang-apat kong cake.

Madalas akong magpost dito ng mga graham cake kasi wala akong oven at hindi ako marunong mag-bake. Gusto ko sana pero ano’ng magagawa ko kung wala nga akong oven!?! Ang pinakamurang gas range na may oven ay nasa 10k na, hindi pa yun yung branded talaga. May mura naman na electric oven pero mas maganda parin yung gas. Ang pinakamalapit sa cake na nagagawa ko ay yung steamed banana bread ko na hindi rin gawa sa scratch kundi may tulong ng pancake mix.

Gusto kong malaman kung posible kayang makapag-bake ako kahit wala pa akong oven at kung parehas lang ba ang output ng gagawin kong cake na hindi niluto sa oven vs sa ibang method ng pagluluto.

OBSERVATION:
Bale, wala naman talaga sa plano ang paggawa ng cake. Pero dahil nakita kong malapit na mag-expire yung cake mix na binigay sa akin, gawin ko na kesa masayang. Galing to sa Canada, pinapa-box para ibenta dito. Medyo na-stock na kaya binagsak presyo nalang para madispose siguro, at ngayon ay mapilitan akong iluto haha! Hindi ko alam kung paano ko sya lulutuin, pero wala na akong choice kaya go nalang.

 

QUESTION:
Makakagawa kaya ako ng moist chocolate cake nang hindi gumagamit ng oven?

 

HYPOTHESIS:
Posibleng makapagluto o makapag-bake gamit ang steamer o pressure cooker.

 

MATERIALS AND EQUIPMENT:
1 box Cake Mix
3 Eggs
250ml Milk
125ml Vegetable Oil

Mixing bowl
Hand Mixer
Measuring cups
Steamer
Pressure cooker
Cake pan / Llanera
Aluminum foil

20180309_225919.jpg

 

CONDUCT AN EXPERIMENT:
Hinalo ko muna yung cake batter ayon sa package directions. Tatlong itlog, vegetable oil, gatas. Mix lang gamit ang hand mixer o wire whisk. Nag grease ako ng mga llanera. Wala akong cake pans kaya ito ang ginamit ko. Hindi ko pinuno, hanggang half lang ng llanera.

 

 


A. Cooking Method: Steam
Sinubukan ko muna na magluto sa steamer. Sinubukan ko rin kung ano ang kaibahan kung tatakpan ko ng foil at hahayaan yung isa na walang aluminum foil. Pinakulo ko muna yung tubig sa base ng steamer at pagkulo, nilagay ko na yung mga cake. Hinayaan ko mag-steam for 20 minutes.

20180309_232641.jpg


B. Cooking Method: Pressure Cooker
Sunod kong ginawa, nagsalang ako ng pressure cooker. Tinanggal ko yung rubber ring sa takip tapos inangat ko rin yung steam vent. Yung pressure cooker namin, meron syang stand na kasama at saka parang maliit na steam basket. Dun ko ipapatong yung cake ko at hindi direkta sa kaldero. Nag preheat muna ako ng mga 10 minutes, low fire. Tapos nilagay ko na yung cake. After 20 minutes, pinatay ko na ang apoy at hinayaan lang yung cake sa loob ng mga 5 minutes pa bago ko binuksan at kunin.

 

 

 

RESULTS AND ANALYSIS OF DATA:

A. Steam Method
Dalawang sample ang ginawa ko, isang tinakpan ko ng aluminum foil at isang hinayaan ko lang. Gusto ko kasing malaman kung may kaibahan ba sa resulta ang paglagay ng foil.

Ganito ang nangyari sa cake kong walang takip na foil. Sobrang umalsa at naging fluffy yung texture na parang mamon o puto. Chocolate mamon ang tawag ko.

 

 

 

Yun namang may foil, parang mas siksik lang konti.  Umalsa pero hindi na lumagpas sa llanera, flat lang din sya. Soft ang naging result, hindi moist chocolate cake. Parang more on tinapay ang texture at hindi cake, halos parang spong cake.

 

 

 

B. Pressure Cooker Method
Hindi ko na tinakpan ng foil yung cake kasi wala namang tubig yung pressure cooker, heat lang talaga. Nung una, may doubt akong maluluto yung cake kasi nung sinisilip ko, parang walang nangyayari kaya medyo tinagalan ko ng konti at nag extend pa ng 5 minutes.  Nasunog na ng konti yung ilalim, ibig sabihin naluluto talaga sya.  Yung pangalawang cake na nilagay ko, inorasan ko na para di na masunog. Okay naman ang naging result, may parang crust lang yung cake. Hindi gaanong umalsa, parang nag shrink pa nga, pero umangat yung bandang gitna. Sa texture, mas siksik ng konti kumpara sa steamed cake na may foil. Hindi pa rin malapit sa texture ng moist chocolate cake, parang dry sya ng konti.

 

 

 

Sa lasa, masarap naman parehas.  Sa texture lang sila nagkaiba.

 

CONCLUSION:
I therefore conclude na posibleng makapagluto ng cake gamit ang steamer at pressure cooker pero hindi maa-achieve na kaparehas ang texture ng sa moist chocolate cake na niluto sa oven.

 

FOLLOW UP EXPERIMENT: HOMEMADE COCOA FUDGE

1/4 bar Unsalted Butter
3/4 cup Sugar
50g Cocoa Powder, unsweetened
1tsp Coffee
150ml All Purpose Cream

Unahin muna mag-melt ng butter sa isang saucepan over low heat lang tapos ilagay yung sugar. Kapag nahalo na, ilagay naman yung cocoa powder at coffee. I-mix hanggang magsama-sama na sila na parang makapal na paste, tapos ilagay na yung cream. Halu-haluin lang maigi hanggang sa maluto at maging parang syrup na. Pero wag na hayaang kumulo at baka masunog.

Malabnaw pa sa ngayon ang fudge kasi mainit pa pero kapag lumamig, lalapot na yan. Kung gusto pa na medyo mas runny, mag add paunti unti ng cream. Inuulit ko, kapag mainit, malabnaw yan. Makikita lang na thick na sya kapag napalamig na to room temperature. Kaya dahan-dahan lang sa pag-add ng cream.

 

OVERALL OUTPUT:
Nakagawa ako ng limang cake. Yung dalawang steamed, nilagay ko sa individual containers at yung dalawang galing sa pressure cooker, pinagpatong ko at tinadtaran ng fudge. Yung isa, yung steamed na walang foil, pinapak ko haha. May mga pinagtabasan pa ako nung pinantay ko yung mga cake. Tinabi ko rin para baka pwede pang gawing cake pops o ipang-base sa chocolate mousse o ref cake diba. Ang dami kasi magagawa nung isang box ng cake mix. Pwedeng 2 layers ng 8″ or 9″ round cake, 13×19 rectangular cake, o 24pcs na cupcakes. Ang dami diba, samantalang ang kakain lang naman nito ay mga anak ko saka ako.

Sa fudge naman, nakagawa ako ng about 1 1/2 cup. Sobrang lumalapot sya pag malamig na, at tumitigas kapag nilagay sa ref. Para maging runny uli, initin lang. Kung may microwave, mas maganda. Pero wala rin akong microwave kaya stovetop nanaman ang gamit ko. Mano-mano, low fire, constant stirring. Kapag nakita nyo na lumalabnaw na sya, patayin na ang apoy. Wag nyo hayaan na kumulo pa at maluto lalo kasi masusunog, di na masarap. Yung lasa din nya, pakiramdam ko depende sa quality ng cocoa powder na gagamitin nyo.

 

RESULTS AND REMARKS:
Heto yung comparison ng cake na steamed with aluminum foil cover vs sa cooked using pressure cooker. Nilagyan ko na sila ng fudge at magkasabay ko nilagay sa ref.

 

 

Parehas namin na kinain kinabukasan pa pero inuna namin kinain yung pressure cooker cake tapos nag merienda kami nung steamed cake. Ang masasabi ko ay…

Mas gusto ko yung nangyari sa steamed cake. Nagbago yung texture nya, naging moist sya. Hindi ko alam kung nakaapekto yung fudge o yung pagkalagay sa ref. Yung pressure cooker cake, okay naman ang lasa pero dahil hindi sya umalsa, naging dense na sya nung lumamig, medyo matigas at dry nga sya. Tinanong ko mga anak ko kung ano ang gusto nila at mas gusto nga daw nila yung steamed kesa sa pressure cooker cake.

20180310_021131.jpg

oha! fudge cake mga kaDDS!

 

Ano pa ba ang natutunan ko mula dito sa pinaggagawa ko?

  • Wag bibili ng malapit na maexpire para di mapressure magluto.
  • Magluto nang maaga para di antukin at makapaghugas pa ng pinag gamitan.
  • Pwede na magluto ng cake sa steamer, pwede na pagtyagaan.
  • Bumili na ng totoong oven pag nakaluwag luwag.
  • Baka dahil sa cake mix lang sya kaya di naman talaga moist ang magiging resulta.
  • Magaling mag-edit yung mga gumawa ng packaging.

 

Natapos kong isulat ito kasabay ng pag-ubos ko sa huling cake.

signature

Advertisements

16 thoughts on “Chocolate Cake Experiments and Homemade Fudge

  1. spacekoto says:

    Real time din yung comments ko habang ginagawa mo yan parang andyan din ako assistant mo nakatulog lang kasi antok na ko hahahaha! At ang deep ng realization mo sa packaging.. Magaling mag-edit ung gumawa ng packaging! 😂😂😂

    Liked by 1 person

  2. Alona says:

    Yung steamed banana cake muna ata ang gagawin ko. Bawal ang tsokolate sa bahay. Puro diabetic. Hahahaha. Magrereklamo na naman nanay kong hindi niya makakain. 🙂

    Uy, gusto ko ‘tong theme mo ngayon. Mas madaling basahin.

    Liked by 1 person

    • Aubrey says:

      Oo, siguro kung gagawa ka ng fudge, mag dark chocolate ganache ka nalang haha, wag na fudge.

      Napansin nya yung theme! Haha 😊 yung lumang theme kasi, not supported na kaya pala naggi glitch na, yung dati kong reklamo diba. Tapos ayan, free and fresh haha, yan nalang. Wala na akong ibang dinagdag.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.