Birthday Requests

Matatapos nanaman ang January at malapit na ang birthday ng una kong naging bunso, si Alden Rye. Last year, nagplano kami ng kaunting celebration para sa 5th birthday nya kasi 1st month din ni Alyana. Heto yung post ko nun:

 

as we were planning a surprise mini celebration for Alden, I casually asked him what he wants for his birthday. He replied:
*Tortang talong
*Upo na may miswa
*Fish, maliit ang ulo (GG)
*Banana may sugar (Banana cue)
and ang birthday cake daw nya ay: “Hansel tapos tutusukan ng kandila. Ib-blow daw nya yun (taas-taas kilay)”

Hindi ko to ipopost para lang mag-brag sa kung paano sya mag-isip, sa simplicity at sa humilty ng batang to, buhatin ang sarili kong bangko bilang magulang sa kung paano namin sya pinalaki, at lalong hindi para kaawaan ang anak ko dahil sa mga paborito nyang pagkain.

I am sharing this to let others see what the world is through a child’s point of view. Na kahit ba ako ang magulang na dapat nagtuturo sa kanya ng mga morals at values, e ako pa ang natututo sa kanya ng mga bagay na nakalimutan ko na at gusto ko rin ipaalala sa iba.

Na tayo ang may kontrol sa kung ano ang makapagpapasaya sa atin. Tayo ang nagse-set ng sarili nating mga expectations at minsan hindi masamang maghangad ng simple lang. Hindi mahalaga kung ano ang iisipin ng iba, o kung ano ang karapat-dapat sa paningin nila. Ang importante ay kung ano ang mga makapagpapasaya sa atin.
Yan ang nakalimutan na ng karamihan. Mas madalas tayong sumasabay sa kung ano ang inaasahan na gagawin natin, sa kung anong klaseng image ang gusto nating palabasin, at para maimpress ang nasa paligid natin.

Napaka kumplikado na ng mundo para dagdagan mo pa ang gulo. Simplehan mo lang, minsan kung ano pa ang mga bagay na hindi kabonggahan e yun pa ang makapagbibigay ng kaligayahan. Mabuhay at isipin kung ano ang makapagpapasaya sa’yo, hindi yung pipilitin mong abutin ang ineexpect ng ibang tao.

 

Ngayong 6 na sya, medyo di na sya pa-baby, alam na alam na nya kung ano ang mga gusto nya at detalyado ha. Tinanong ko sya kagabi kung may gusto ba sya para sa birthday nya. Nag-mature na sya ng konti at ang gusto naman daw nya na handa for this year ay:

  • Carbonara
  • Bulalo na may mais
  • Isdang malaki, yung may taba at may palaman na sibuyas at kamatis (Inihaw na Bangus)
  • Sinigang na gulay (may baboy saka buto pero ubusin na ang baboy para matira ang gulay)
  • Talong (di parin nawala)
  • Oreo Cake
  • Ice Cream na Buko Pandan
  • Leche Flan
  • Puto Bumbong
  • Tupig

Ayan. Di ko alam san nanggaling yang mga yan pero yan daw ang gusto nya. Nag video call sya sa mama ko para sabihan na pumunta dito sa Laguna sa birthday nya. Pero sinabihan ko narin si Alden na baka di magpunta yung mga tao. Kung pwede lang, lumabas nalang kami para madali lang. Di ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Nagtanong pa kasi ako diba haha. Pero kung wala akong mailuto, baka gawin ko nalang na 1 week meal plan yung mga gusto nyang kainin.

Muli, ganun parin. Kita ko parin sa kanya yunb kasimplehan nya at excitement. Kung may pupunta, di ko pa alam. Kasi last year, mga kapatid ko lang ang nagpunta saka yung pamilya ng asawa ko. Medyo nalungkot din ako non, pero siguro ganun talaga e. Di ko naman pwedeng pilitin ang mga tao kung di sila makarating.

Hay, ang bilis talaga ng panahon. Nahihirapan akong sumabay. Parang di ko pa kaya.

signature_aubreyvillanueva

13 thoughts on “Birthday Requests

    • Aubrey says:

      Huhu onga e masisira yon kasi may buko diba. Trip na trip nya yun nung bumili kami sa may Tarlac.

      Yun laptop ko napaayos ko na, win10 na kaso di ko alam pano haha nakain ako. Saka wala pala akong office 😥

      Like

  1. spacekoto says:

    A!!!! Consistent si Alden sa talong! Hahahaha! Check na check ang “Mabuhay at isipin kung ano ang makapagpapasaya sa’yo, hindi yung pipilitin mong abutin ang ineexpect ng ibang tao” Checkan yan ng pink na ballpen! 💕

    Like

    • Aubrey says:

      Ay nako grabe di ko alam bat paboritong paborito nya ang tortang talong. Hindi ko alam kung anong hiwaga ba meron ang pagkain na yun at di sya nagsasawa. #TalongIsLife 😂

      Naku oo kasi sa panahon ngayon, ang hirap maging mabuting nanaya sa totoo lang, sa dami ng ineexpect sayo ng mga tao na gawin mo para sa anak mo. Kaya minsan tingin ko parang pinagkakaitan ko masyado ang mga anak ko haha. Saka mahirap mabuhay ngayonsa panahon ng kailangan mong magpa impress ng followers haha, may mga image na inaalagaan ang bawat isa. 😑

      Liked by 1 person

      • spacekoto says:

        Hayaan mo yang mga followers at expectators na yan hahaha! Hindi tayo papalupig sa expectations. Kem buck to the young and byutipul yew! hahaha! Isa kang mabuting ina kila Alden, Alvey at Alyana. Abangan ko ang lulutuin mo sa birthday ni Alden. Kung andyan talaga ako mag-gate crash ako sa handaan nyo ahahahaha!

        Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.