Our Unica Hija’s Birth Story

**Sobrang late post dito sa mommy blog ko pero nasa Facebook account ko ito, nag copy-paste nalang ako saka sakto naman na nag 1 na si Alyana kaya post ko na dito 🙂
Warning: May contain photos or images that are not suitable for madirihin na audiences, viewer discretion is advised. Nasa ilalim naman yung slideshow kaya you can opt to skip or not to view

 

This is my third pregnancy. Looking back eight months ago, I was asking for prayers na sana makayanan ko ang pregnancy ko and maging healthy ang baby ko. Heto at hanggang sa panganganak ko, never ako pinabayaan ng nasa taas at safe kong nailabas ang baby namin na si Alyana.

My first childbirth was NSD at 39w5d, pero mahirap kasi induced yun dahil nag break ang BOW ko. I was in labor for 31 hours. Second naman was Emergency CS at 38w5d dahil sa malposition. Last minute tumabingi ang ulo nya, hindi sya makalabas. This time, my Hema suggested na itry ko mag VBAC (Vaginal Birth After CS) dahil less risk ng blood loss. Kaya I aimed for VBAC and even changed my OB and hospital para lang din sa plano na mag-normal. Mas maganda rin kasi na i-normal delivery lalo naexperience ko na parehas. Mahirap talaga ang recovery ng CS, bukod pa sa mga complications sa katawan ng nanay at bata.

December 31, 2016:
Alfred and I went to Perpetual Help Binan para magpa-reserve sana ng 2 units ng Packed RBC para pang back-up sa panganganak ko. Unfortunately, wala silang stock. In-advise kami na kung makakakuha kami ng 6 Type O+ na donors, kapalit na nun is yung 2 units ng dugo. Kaso, sa panahon at may okasyon, sino ba naman ang makakapunta ng Laguna para mag-donate ng dugo. Marami sana ang gustong tumulong kaso hindi nila blood type, hindi pwede, may mga iniinom na gamot, o malayo. Kaya I talked to my baby bump na sana makipag-cooperate sya habang wala pa kaming nakukuhang donors. So, nagpunta kami sa SM Sta. Rosa para mamili ng pang Media Noche namin. Later that night, I had my husband and my sister help me prepare our simple feast. Medyo sumasakit-sakit ang tyan ko while cooking but I remained calm and tried to relax. Bukod kasi sa wala pa kaming dugo, nagsabi narin si OB sa akin na nasa out of town sila at birthday rin ng asawa nya. Right after ng New Year countdown at kainan, nagpahinga na kami.

January 1, 2017:
Gusto ko talaga sana na ngayon ipanganak si baby. I never tried to induce labor though. I believe that she will come out in time, kapag ready na sya. Kapag okay na sya. Sya lang ang nakakaalam if fully mature and developed na sya. No need to rush dahil 38 weeks palang naman sya. Medyo naghintay din ng contractions, haha. Pero wala talaga. Tinanggap ko na baka nga matagal pa so hayaan ko nalang kailan sya lalabas. Nagpahinga lang kami the whole day.

January 2, 2017:
Madaling-araw palang sumasakit-sakit na sya, pero di ko pinapansin. Pagkagising ko, tinry ko ulit humingi ng tulong sa social media at sa iba kong friends. Tapos, umalis kami ni Alfred para bumili ng ulam and to look for Alyana’s clothes drawer narin. Dami namin inikutan dahil di kami makahanap ng maliit lang na durabox sana. nakakaramdam ako ng contractions pero di ko pinapansin. Di ko rin sinasabi kay Alfred kasi di ako sure if labor pains na ba yun or false alarm lang. Sa dalawa kasi, lumabas ang mucus plug ko then saka ako nag-labor. Ngayon, wala. Saka irregular ang duration at intervals. Kaya di ako nag-assume. Hanggang sa pag-uwi namin, patuloy lang ang contractions pero kaya ko pa. Di ganun kasakit. Nag-ayos pa ako ng drawers saka nagpicture-picture. Nung gabi na, may naramdaman akong discharge. So chneck ko at pagkakita ko, blood sya. Walang mucus o kahit ano, dugo lang. Parang first day na mens. I calmly approached Alfred and told him na dinudugo ako. Dahil VBAC sana ako, I would’ve waited for intense labor pains before asking him to send me to the hospital. But because ganito na ang situation and hindi rin ako familiar sa ganitong scenario, we went to the hospital right away.

January 3, 2017:
Past 12AM – We headed to the hospital ER and told them that I am having contractions and bleding. Upon checking, I am 1-2cm dilated pero mataas parin and makapal ang cervix. My contractions were timed, about 4-5 minutes apart and lasts about 30 seconds. Kayang-kaya ko pa ang sakit. Tapos, sinabihan na kami na for admission na ako at dinala na ako sa labor room.
Past 1AM – Sinaksakan ng suwero then kinabitan ng EFM. With my 2 births, I have experienced labor pains kaya alam ko na what to expect, and I was a bit confident na kaya ko. The nurse asked my pain scale and I answered 3-4. Masakit pero kayang-kaya. So sabi nya sabihin lang daw if nasa 6-8 na ako. So ayun, breathe in, breathe out. Medyo mataas din naman pain tolerance ko kaya relax lang. I even asked them if they could kindly get my phone kay Alfred para malibang ako at makausap din sya pampalipas oras.
Around 5AM – Naging intense na ang sakit, bigla-bigla. Hindi ko alam pero parang nagmadali sa pagsakit. So sabi ko, parang nasa 6 na ako. Tinext na nila si Doc para i-inform at makapunta na sila sa hospital. Habang tumatagal, lalong sumasakit. Sumasabay pa si baby ng pagsipa at paggalaw.
Past 6AM – Dumating na ang OB ko, si Doc Geoia at ang asawa nya si Doc Paul na Anesthesiologist naman. Pag-IE nya, 2-3 cm palang ako at sobrang taas pa raw. So nagulat din ako kasi ang sakit na, nakakanginig na ng balikat, tapos 2-3 cm palang? Ang sakit-sakit na pero ang layo-layo ko pa. At ang tagal nya mag progress. Dinudugo parin ako, nakita ko sa gloves ni Doc Geoia. Epidural Anesthesia can only be administered at 5-6cm daw, nas latent phase palang ako ng labor kaya di ko alam kailan pa ako aabot dun. She explained na baka raw afternoon pa ako umabot sa ganun, baka gabi pa ako manganak sa ganitong klase ng labor. Napakaliit pa at mataas. I asked her if she could let my husband in para makausap kung ano gagawin namin. Ayoko magpa CS pero she also noted na mataas ang heart rate ni baby, and ang contractions ko is every 2 minutes lang, lasting for about a minute. Mga ganito raw e usually nasa 7-8cms na. Gusto parin ni Doc na itry namin ang VBAC pero may worries din sya na mabagal ang pag dilate ko at parang may mali. Matagal pa bago kami nakapag-decide na for repeat CS nalang. Sinabi rin kasi namin sa kanya na wala kaming na-prepare na blood. Buti nalang, based on my latest CBC na pinakuha upon admission, nag 9 ang hemoglobin ko. Mataas sa pangkaraniwan kong 7-8. Kaya sabi ni Doc, blood volume nalang daw ang kailangan ko, na kaya nyang idaan sa gamot.
7AM – Agad-agad, pnrepare ang OR. Sobrang sakit na, nakikita ko nagmamadali silang lahat. After ng anesthesia, para na akong lasing. Nakikita ko lang ang lahat pero wala akong maramdaman, wala akong pakialam, wala akong ibang maisip. Medyo ramdam ko yung paggalaw ng katawan ko, pati yung pag-push ni Doc Paul sa tyan ko nang dalawang beses. Rinig na rinig ko na umiyak si baby ng sobrang lakas. Sabi ko pa nga “Ay grabe ha, sya pa talaga ang naiyak” Sabay sabi ni Doc Paul na “Congrats po, baby boy!” Na ikinawindang ko talaga at sabi ko “Ha?? Hindi!!” at may biglang naggsabi “Doc, Baby girl po.” Hay jusko nataranta ako dun. Tapos inilapit sya sa akin for unang yakap at nag picture-picture. Isip-isip ko, good luck sa hitsura ko naman, mukhang basag lang. Then naramdaman kong masakit yung left shoulder ko, parang nangangalay pero sobrang sakit. Sinabi ko kay Doc Paul at nag inject sya ng pain reliever. After nun, wala na akong maalala.
Nagising ako kasi sobrang nanginginig ang kamay ko. I remember asking Doc Paul at mga nurse kung ano ang nangyayari sa akin. Sobrang nginig talaga, parang nagpapagpag ng kamay na mabilis na mabilis. Hindi ko na alam ano nangyari, basta nakatulog nanaman ata ako.
9AM – Sumunod na gising ko, nasa recovery room ako. at masakit ang tyan ko, may binder na. mag-isa lang ako, may nagbabantay sa akin isang nurse. Hindi ko pa maigalaw ang mga paa ko. Nagpahinga pa ako uli non at nagising ako uli, mga 10AM na. Ipinasok si baby para ipa-latch kaso ayaw nya. The nurses said na for monitoring si baby kasi nakakain ng poop. Hindi nila alam kung kelan sya ipapa-release ng Pedia for rooming-in kaya kailangan nila painumin si baby ng expressed breastmilk para raw ma-regulate ang blood sugar nya. I declined. Alam ko naman na hindi at gusto ko mag direct latch sya para sa colostrum, para rin sa stimulation. So sabi ko itry nalang nila uli. Okay naman din sa kanila, so after one hour, binalik si baby kaso ayaw parin talaga mag latch. Natulog lang sya. After nun, in-assess na ako ng OB na naka duty, tinry if kaya ko na iangat ang paa ko. Okay naman, naiangat ko kaunti, dinala na nila ako sa room ko.

January 4, 2017:
Nang mag-usap kami ni Doc Geoia, buti nalang daw nag decide na kami for repeat CS. Nag-poop na raw kasi si Alyana sa loob and kung pinatagal pa namin, baka mag-cause na ng infection sa amin ni baby. Kaya rin daw pala ganun na sya kasakit e sa stressed na si baby sa loob. Baka nung December 31 palang e nagstart na talaga ako nun mag-labor, nahinto lang. Pagbukas nya raw ng tyan ko, itim na raw ang water kaya kinailangan nya pa i-flush at hugasan yung mga laman-laman ko. I also asked her bakit nag-push si Doc Paul. Isa pa raw yun, sabi nya. Hindi nya makuha ang head ni Alyana kasi nakasiksik sa sulok at nakatabingi daw. So kailangan ng push ni Doc Paul para makuha nya. Para na tuloy ako nag-normal. Pero kung nag-normal pala ako, hindi rin talaga sya lalabas. MInadali narin daw nya yung operation sa takot din nyang maubusan ako ng dugo.
Nakaka-amaze lang din at kung iisipin, ang daming nangyari sa aming mag-ina na milagro. Hindi kami pinabayaan ni God, and everything He did was for the right reasons. Eventhough I went through a lot with this pregnancy, our baby girl came out to be very healthy. Hindi man natuloy ang plano namin na mag VBAC, happy parin ako kasi ligtas kaming dalawa sa kabila ng mga complications at nakaraos narin kami sa wakas. Maraming salamat sa lahat ng support, tulong, at prayers nyo para sa amin. Wala talagang ibibigay na hindi namin kakayanin, at heto na sya ngayon sa buhay namin.

And so, heto na nga iyon,
Nangarap, Nagdasal, Natupad.
The first blessing we received for this year, the gift of life.
We met our baby girl finally! Our third baby, born on the 3rd of January 2017, 7:12AM via C-section at Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center, Biñan Laguna. OB-Gyn is Dra. Geoia Peralta Amores, Anaesthesiologist Doc Paul Amores, Pediatrivian Dra. Jennifer Lou De Guzman.
She weighs 2.78 kg or 6.11 lbs.
A very healthy and vigorous baby with an Apgar score of 9.9

Her name AARYN means “mountain of strength”,
RIA from Maria meaning “wished-for child”,
and ALYANA meaning “God’s answer or My Lord has answered”.
Here she is, my answered prayer.
Our sweet little Aaryn Ria Alyana Angeles Villanueva

Thank you Lord for this wonderful blessing.

 

 

 

This slideshow requires JavaScript.

 

 

signature_aubreyvillanueva

Advertisements

2 thoughts on “Our Unica Hija’s Birth Story

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s