The Paikot-ikot na Fairytale Hair Story

“Our hair is our crowning glory.”

Warning: Puro mukha ko ang babalandra dito sa entry na ‘to kaya nakakaumay, pagpasensyahan nyo nalang ano? Haha! Yung buhok ko nalang ang tignan nyo dahil para sa buhok talaga itong post na ‘to, salamat!

Reflection din daw ang buhok ang ating health at well being. Bawat cut at style ay malaki ang epekto sa hitsura natin. Sa isang perfect na haircut o hairstyle lang, makukumpleto ang look na gusto nating ma-achieve.

Ang buhok ko ay makapal, natural na dark brown lalo kapag natatapat sa liwanag, at medyo buhaghag. Noong bata ako, bagsak ang buhok ko pero nang magdalaga, naging rough at frizzy na.

Sumubok ako noong highschool na magpa-relax. Pero hindi ganun kadalas dahil bukod sa ang lakas makasira ng buhok e wala naman akong pang-salon. Nang madiskubre ko ang plantsa, naging suki narin ako noon. Hindi ako gaanong maalaga sa buhok. 2-3 times a week lang ako kung mag shampoo. Hindi ako lagi nagko-conditioner. Wala rin ako ng mga leave on, mga oil o conditioner ganon. Minsan may mga binababad ako na diy hair treatment gaya ng eggwhites, mayonnaise, consuka (conditioner + vinegar), at mga nabibili sa drugstore na mga hot oil at repairing conditioner. Bihira ako magpagupit ng buhok. Halos laging mahaba o medium length ang hairstyle ko. Hinahayaan ko lang na humaba sya sabay pinapaikot-ikot at itatali sa isang mahigpit na bun. Ito yung isang “feature” ko na napansin ng asawa ko noon, yung buhok kong nakatali na nakapaikot-ikot.

FB_IMG_1511949238226.jpg

heto nga pala yung nakapaikot-ikot hairstyle ko at ang aking “besfrnd Marni” habang naki-sit in ako sa klase nila, ganito na ang buhok ko noon pa man dahil sa kakapaikot

After a year pagkapanganak ko sa panganay, sumubok ako na magpa-rebond. Sakto kasi na bagong bukas yung salon ng friend ni Alfred tapos may promo na Php800 any length basta virgin hair. Grabe, tuwang-tuwa ako non kasi ang ganda talaga ng kinalabasan. Ang lambot, shiny, bagsak na bagsak, walang “bewang”. Php1000 ang binayaran namin kasi nahiya naman din kami sa nag rebond dahil lagpas waist length ang buhok ko nun tapos yun nga, sobrang wavy at kapal. Tumagal ang buhok ko ng halos 2 years. Nang mabuntis ako sa pangalawa, nagpagupit ako at nawala na ang Rapunzel hair ko.

FB_IMG_1513095632941.jpg

Yasss! Smooth and straight brown strands after 20yrs! Ikinaganda ko talaga ‘to, promise

FB_IMG_1512569710162.jpg

the 1000php rebond, pero 1 1/2 years na to, o diba maayos pa

FB_IMG_1511949228013.jpg

ang mga huling araw ni Rapunzel, mga 1 month to bago ako nagpagupit

Fast forward nang manganak ako, humaba na ulit ang buhok ko, pero 6 months post partum nagpagupit ako kasi grabe yung hairfall na nangyayari sa akin na para akong nakakalbo. Normal lang na maglagas ang buhok ng mga bagong panganak dahil sa pag-drop ng hormones. Pero kung di mo alam, baka iisipin mo may sakit ka na kasi nakakatakot naman talaga at feeling mo para ka nang makakalbo sa santambak na buhok na nawawala sa’yo. Walang solusyon ang post partum hairfall. Ang ginagawa ko noon, as usual naka-ponytail lang lagi, hindi madalas magsuklay, saka naka-headband kapag may patubo na mga nakatayong buhok. Isa pang solusyon ko sa hairfall ko ay ang pagpapa-trim nga o pagpapagupit. Hindi para tumigil na sa paglalagas kundi para kasi nakalugay lang ang buhok ko at di halata yung mga manipis na parte lalo na sa tuktok.

2 weeks matapos ng gupit ko, nagpagupit uli ako kasi hindi ko type yung una kong gupit. Parang straight lang na ordinary, parang Dora.

2012-07

ola Dora!

FB_IMG_1512569622614.jpg

insert Boots at Backpack, ihampas si Map kasi ang weird ng angle ko 😛

Kaya sumubok ako ng hindi ko pa nagagawa – ang magpaiksi ng buhok. Home service yung sumunod na gupit ko kasi yung stylist kakilala ng kapitbahay namin. Sabi ko sa kanya, bahala na sya. At heto ang ginawa nya sa buhok ko.

FB_IMG_1511948992624.jpg

Amor Powers daw sabi ng karamihan haha! – 2012September

Matapos yan, hinayaan ko uli na humaba ng kaunti tapos di ko alam ano naisipan ko at nagpagupit nanaman ako. This time, mas maikli. Sabi ko sa stylist, gusto ko Boy Cut. Ang daming nagulat noon bakit ko ginawa yun sa sarili ko. E sabi ko, wala lang. Naging komportable naman ako sa hairstyle na yun, hindi naman ako nagsisi. Hinayaan ko lang din na humaba. Ang problema ko lang kapag humahaba nanaman ang buhok ko, nagtitikwasan na kaya natutukso akong pagupitan para bumalik yung korte at style. Kapag umaabot na sa balikat ang buhok ko, pinapagupit ko na uli ng maikli.

FB_IMG_1512569674960.jpg

gupit pogi kuno, bnlower pa ni ate nang napakaayos sabay ipapagupit ko lang ng ganito haha! -2013May

2013-06

babaeng baklang padalaga na – 2013June

2013-08

medyo humaba na ang buhok ko kaya nilalagyan ko na ng clip – 2013 August

2013-10

uso nito yung Ph remake ng koreanovela na Temptation of Wife, si Angeline ang peg ko dito – 2014March

2014-05

ngayon nalang uli umabot ng lagpas balikat ang buhok ko, nag-ayos ako kaunti kasi mamamalengke kami haha – 2014May

Aaaaaat tinopak uli ako, sorry guys! Nagpagupit ako, hindi ko makakalimutan, super moon pa ata non, ito na yung huling gupit ko na maikli, October 2014.

2014-09

marunong na ako mag hashtag nung 2014, #GoodbyePonytail – 2014October

2014-10

ganito yung buhok ko kapag walang blower-blower, nagffly away sila – 2014October

Matapos nyan, nagpahinga na ako sa gunting. Panay pa-hairspa nalang ang ginagawa ko at minsan konting trim. Ponytail at headband lang lagi, yan ang signature hairstyle ko haha. Hindi ko na ginalaw ang buhok ko hanggang sa napansin ko na lagpas na uli ako ng shoulder length. Dun ko naisip na gusto ko na magpahaba ng buhok uli.

2015-10

Nagtampo ata ang buhok ko kaya ang bagal na humaba – 2015October

2016, nabuntis sa pangatlo. Hindi na ako nagpaikli pero pinatrim ko ng straight ang buhok ko. Medyo mahaba na at desidido na akong magpahaba talaga kasi nagsawa na ako na short hair lagi sa loob ng apat na taon. Gusto ko na maging Rapunzel uli haha.

FB_IMG_1512569582703.jpg

10 weeks preggers at dinayo ko pa ang suki kong stylist para lang ipa-trim ng straight cut ang buhok ko – 2016June

Dahil buntis, mabilis ata tumubo ang buhok pag ganon. Ang laki ng difference ng length sa loob lang ng 9 months na lumipas. Pinabayaan ko lang ang buhok ko, lagi parin naka paikot-ikot. Tapos nang pumasok ang 3rd month post partum, heto nanaman ang hairfall jusmio parang lagi akong nakipaglaban ng sabunutan. Minsan, hawiin ko lang ang buhok ko, ang dami ko ng nakukuha, o di kaya tanggalin lang ang ponytail ko, ang daming nakasabit. Kapag nagsusuklay, naliligo, akala mo makakagawa na ako ng buhok ng manika. Gusto ko na sana magpagupit pero hinayaan ko lang. Sabi ko, stay put ka lang bubok at pagagandahin kita, konting tiis.

FB_IMG_1513095563737.jpg

6 weeks post partum, chest length – 2017February

2017-08

waist length hair, nagulat nalang din ako at nakabalik ako sa dati – 2017August

By September 2017, umabot na ang buhok ko lagpas waist length. Nag trim ako ng one inch kasi dry na dry na ang mga dulo. Patuloy parin ako sa hairfall. Patuloy parin sa mahigpit na hair bun dahil mahilig din na manabunot si Alyana pag nakalugay ako.

FB_IMG_1512569520759.jpg

ganito lang palagi ang style ng buhok ko para iwas sabunot nitong batang maldita na ‘to

Balak na ng asawa ko na ipa-rebond ako sa December daw, pero tuloy parin ang buhok ko sa paglalagas. Manipis na kumpara sa dati. Nang magkita kami ng pinsan ko nung November, nabanggit nya sa akin yung hair donation. Naisip ko na pwede siguro nga yumg ganun, makakatulong pa ako.

November 29, basta ginupit ko nalang ang buhok ko hahaha! So ayan. Binasa ko muna mabuti ang instructions kung paano i-prepare ang buhok for donation. Nag shampoo ako maigi at conditioner sabay ponytail ng buhok nang dalawang beses at ginupit ko lang yung ilalim ng unang ponytail.

PhotoGrid_1512569355125.jpg

Tada!!!

20171129_172544.jpg

Wala ang asawa ko nang gawin ko ‘to sa sarili ko, kaya pag-uwi nya, nagulat sya kasi plano nga namin na magpa-rebond sana, nagtanong na nga kami sa salon sa bayan, 1500 daw all in haha. Sabi ko kasi, kapag treated ang buhok, disqualified na for donation. Isa pa, magastos lang. Saka nalang siguro din namin ipa-rebond pag wala ng naglalagas at bumalik yung dating kapal. Kaya sabi nya, ipaayos nalang daw namin ang gupit kasi baku-bako pa talaga sya lalo sa likod.

Kinabukasan, lumabas kami para magpagupit. Tatlong salon ang napuntahan namin pero punuan lahat kasi nagpapa-rebond ang mga tao saka baka kasi Holiday din kaya ngayon sila nagka-time. Sa loob nalang ng mall kami nagpunta. Okay naman. Ang gusto ko Bob Cut kasi parang di ko pa natry, saka kahit maikli na ang buhok ko, ayoko na ng sobrang ikli uli kasi baka hindi nanaman ako makapagpahaba.

Ganito ang gusto ko sana:

Tapos ganito namang gupit ang ginawa sa akin:

IMG_20171205_152436_660.jpg

arte mo teh! hampasin uli kita ng Map! haha

20171130_191150.jpg

ayan, ggss na si ate mo gurl

20171203_172754.jpg

nagf-fly away nanaman kaya bnlower ko konti kasi aalis kami

Okay naman. Medyo kuha naman, at dapat lang siguro kasi Php200 ang haircut na yan haha! Nagulat asawa ko kasi kadalasan Php40 lang ang haircut ko, nag level up 5x haha!

Mahaba, maikli, mahaba, at ngayon maikli na uli. Tama na muna ang #longhairgoals, healthy hair muna ang gusto ko i-achieve. Siguro by my 30th birthday, baka balik waist length na ulit ako, odi dun nalang ako magpa-rebond o kerabond, o kung ano man na ang uso sa panahon na yun, diba?

Sa ngayon, heto muna. Ang di man kahandahan pero 16 inches ng aking DNA para sana makatulong sa nangangailangan, paikot-ikot kagaya ng aking paikot-ikot hair story at ang pag-asang baka sa panibagong hairstyle ay may mabago narin sa akin at maipagpatuloy na ang pag ganda para di na ako pangit

IMG_20171130_100655_674.jpg

the paikot-ikot hair

Hello again, short-haired me! Pinangarap kong maging Rapunzel, at parang pakiramdam ko parang ako talaga si Rapunzel sa nangyari sa akin sa pagkakaputol ng buhok ko. Parang yung sa Tangled na nakalaya na sya sa kasakiman ni Mother Gothel, ganun din ang pakiramdam ko. Sa lahat ng negativity na humihigop sa kaligayahan ko at ginagamit ang lahat ng negativity na yun para lamunin ako ng lungkot at self guilt. Ginawa kong outlet ang buhok ko para lumaya sa lahat, hindi man maalis nang tuluyan kundi para siguro masimulan narin ang mga pagbabagong gusto kong mangyari sa buhay ko.

Our hair should not define our beauty. Kung maikli o mahaba, makapal o manipis, bagsak o buhaghag, straight o kulot. Pero in a way, it defines how well we feel about ourselves. One perfect hairstyle makes a lot of difference to a person’s self esteem. Ang pinaka sikat siguro na kasabihan para sa isang dramatic na haircut ay brokenhearted at sinusubukang mag move on. Yes, I am, I was. I was broken inside out, and this is my way to start moving on from all the pains that I carried for the past few months. And now, I’m letting it all out. With this haircut, hopefully I could start fresh and free.

Advertisements

12 thoughts on “The Paikot-ikot na Fairytale Hair Story

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s