Latte Macchiato Jelly – Coffee Jelly version 2.0

Medyo may extrang budget ang Daddy namin ngayon kaya nakapag singit ako ng ingredients sa paggawa ng Coffee Jelly. Matagal narin ‘tong request sa akin pero di ko magawa kasi ang mahal ng gatas at cream. Dahil siguro sa inflation at pagtaas-baba ng presyo ng krudo haha ewan charot lang basta mataas na ang bilihin ngayon lalo malapit na ang pasko. Hindi ko na binili yung leading brand ng condensed milk na madalas kong gamitin na nagsisimula at nagtatapos sa letter A dahil Php50+ na sya isang lata mygahd. Bale ang nagastos ko para sa lahat-lahat (except sa Vanilla na meron na akong stock sa bahay) ay 120 pesos lamang, may sukli pa.

Yung normal na recipe, madali lang gawin at five ingredients lang:
Gelatin Powder, Coffee, Sugar, Condensed milk, at Cream. Lulutuin yung Gelatin according to package directions tapos add coffee at sugar then ilalagay sa mould. Pag nag-set na ang Jelly, cut into cubes tapos ihalo yung condensed milk at cream. Ilagay sa storage container. Chill ng ilang oras tapos, serve na!

Pbffft!!! Sisiw… Napakadali lang diba, no sweat at no special skills required!

At dahil sabi ko nga e may konting budget at marami akong time, pahirapan ko nalang ang sarili ko at ile-level up yung trabaho ko haha! Yung simple at normal na Coffee Jelly, gagawin kong kumplikado at abnormal na Latte Macchiato Jelly (imbento ko lang ‘tong tawag na ‘to dito ah, wag masyado mapagpatol. O kung may tututol, mag comment)

PhotoGrid_1508252489961.jpg

 

Latte Macchiato Jelly
Serves 8-10

Ingredients:
1 liter tap/purified water
1 pack Unflavored Gelatin Powder – White/Clear
2 sachets 3in1 black coffee mix OR 1 tbsp Instant Coffee + 4 tbsp sugar
2 sachets White Coffee mix
1 330ml can Condensed milk
1 250ml tetra brick All Purpose Cream
Vanilla

PhotoGrid_1508253501422

Procedure:

1. Cook Gelatin according to package instructions.

2. Divide Gelatin into three parts.

PhotoGrid_1508253282500PhotoGrid_1508253197291
-Make Black Coffee Jelly: dissolve Black Coffee in the 1st part
-Make White Coffee Jelly: dissolve White Coffee in the 2nd part
-Make Vanilla Milk Jelly: mix 1/3 can of condensed milk then add about 3 drops of Vanilla in the 3rd part

3. Allow to set then cut into half inch cubes

PhotoGrid_1508253019515PhotoGrid_1508252712512
4. Mix altogether with the remaining condensed milk and cream. Transfer into a storage container and chill. Best served when cold.

PhotoGrid_1508252587749

Pwede na raw sa gutom sabi ng asawa ko pero kinain din naman ng mga anak ko tapos halos maubos na nila sa isang araw lang pero pinigilan ko at may bukas pa.

Nagdugo ilong ko sa pagsulat ng instructions jusko! Muli, pakitama naman kung may mali o kung may mas maayos na salitang pwedeng gamitin.

Importanteng notes, tips, at mga bagay-bagay para sa mga procedure:
(hindi ko na ’to mai-english kasi di ko mae-express nang maigi ang sarili ko)

1. Kahit na anong brand ng unflavored gelatin ang gamitin, basta tantyahin na mag-yield ito ng 1 liter. Sa instructions ng brand na yan, imbes na 1.5 liters ang tubig, 1 liter lang ang ginamit ko para firm yung jelly. Ang tendency kasi ng malambot na jelly ay magkanda-durog durog kapag nag-mix na. Tip narin para walang lumps ang gagawing jelly ay tap water ang gamitin. Wag maligamgam, wag mainit. Tapos hinahalo na dapat yung tubig habang dahan-dahang binubudbod ang gelatin powder hanggang tuluyang ma-dissolve lahat.

PhotoGrid_1508253344836.jpg

2. Dahil medyo concentrated ang gelatin, mabilis din sya mag-set kaya hindi agad nadi-dissolve ang coffee mix. Kapag nangyari ito, wag mag panic at hindi pa palpak yan. Ang ginawa ko dahil marami akong time, binalik ko sila isa-isa, at pinainitan uli sabay whisk para mawala yung mga buo-buo. Kahit anong coffee mix ang gustong gamitin. Sa akin kasi ito lang ang gusto ko as of the moment, di nila ako binayaran para mag endorse nito ah, haha. Para sa black coffee layer, pwedeng plain instant coffee ang gamitin plus asukal. Hindi ko lang kasi gusto yung lasa nun, parang may after taste na nangangasim ako kaya 3in1 black coffee ang ginamit ko. Pero mas maganda lang ang plain coffee at photo-worthy kapag makikita sa layers na naka-serve, ang ganda ng gradient hehe.

3. Tatlong klase ang serving/assembly ang suggestion ko. Una is yung imi-mix mo lang lahat parang gumawa ka lang ng fruit salad. Pangalawa ay yang ganyan na ginawa kong ni-layer ko muna yung Vanilla jelly tapos White Coffee jelly at Black Coffee jelly sabay top ng milk/cream sa ibabaw. Para maganda syang tignan kapag napicture-an diba? At ang panghuli ay parang yung ginagawa ko sa mga graham cake na iwi-whip muna ang cream hanggang mag double ng volume sabay fold ng condensed milk at jelly. Kapag kasi pinaghalo-halo lang, runny yung cream, parang soup ang labas. Kung marami ka rin time at gusto mo rin ay medyo thick ng konti, ayan i-whip mo. Ang masarap dito sa whipped version kapag nag-chill na. Nag level up na yung simpleng Coffee Jelly, magle- level up ng isa pa. Parang magiging Latte Macchiato Jelly Ice Cream na sya dahil sa pagka thick ng cream.

PhotoGrid_1508252641547

4. Sa chiller lang ilagay at wag sa freezer. Kapag kasi nag freeze yung jelly, nangungulubot at humihiwalay yung tubig, pumapangit na ang gelatin at umiiba ang lasa. Pero para sa mala-Ice Cream na consistency, ilagay sa freezer sya 4-5 hours, wag pabayaang tumigas. Dapat parang soft serve lang at hindi yung parang solid at thick na ice cream.

5. Pwedeng mag-add pa ng white Nata de Coco, masarap din para may kakaibang texture. Yung iba Cheese ang dinadagdag pero ayoko nun. Pwede rin mag-add ng ¼ cup ng powdered milk para medyo mas rich yung lasa.

6. Kung gusto mo rin mag-experiment at marami ka narin time, imbes na Vanilla jelly ang gawin mo sa isang part ng gelatin ay dalawang sachet ng hot choco mix ang i-dissolve mo. Oha, may bonus idea at version 3.0 na yan ah! Ang Coffee Jelly mo, magiging Café Mocha Jelly na! (imbento ko lang uli yung pangalan, haha!)

 

Sana maenjoy nyo to. Napagtripan ko lang sa madaling araw na Latte Macchiato Jelly – ang Coffee jelly na maraming eme. Marami din kasi ako masyadong time dahil walang gumugulo sa aking bata at tao pero ang gulo-gulo ng isip ko kaya heto. Ang nagagawa at napapala ng gustong ma-distract, Dessert ang inalmusal.

 

*magsi-signature ako first time, ganito ba yon? haha

signature_aubreyvillanueva

 

Advertisements

13 thoughts on “Latte Macchiato Jelly – Coffee Jelly version 2.0

  1. spacekoto says:

    Ayan na iniintay ko yung recipe! Hahahaha! At dahil mahilig ako sa milo, gusto ko ung idea mo na lagyan ng hot choco mix para maging Cafe Mocha Jelly! Pang malakasan! Hahahahahaha! Ang galing parang nanunuod lang ako ng delmonte kitchenomics😁

    Ang signature mo version 2.0 na din!

    Liked by 1 person

    • Aubrey says:

      yes! tatawagin natin starbaks 🙂 alam mo kung may pwedto nga lang, why not. Yung tita ko nga kumikita Php1000/day nagtitinda lang sya ng instant coffee sa palengke. Puhunan nya mainit na tubig, cups, saka 3in1 coffee lang

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s