M2 Tea Drink Review

Oha, feeling reviewer. Linawin ko lang muna na: 1. Hindi ako professional na reviewer, 2. Hindi ito sponsored ng M2 (pero baka naman, haha! Hello M2!) at 3. Opinion ko lang to. Okay? So let’s go.

Nauuso ngayon ito sa mga nanay lalo sa mga breastfeeding moms. Palagi kong nakikita sa mga news feed saka sa mga online shopping. Minsan, may friend ako na nagtanong kung ano raw ba ang ginagawa ko para ma-maintain ang supply ko. Sabi ko, wala naman, hydration lang, milo, oatmeal, unli latch. Tinanong nya ako tungkol sa M2, kung nasubukan ko na raw. Kasi gusto nyang itry. Sabi ko, hindi pa. Kaya wala pa akong idea sa effects sa breastmilk supply.

At heto na nga, nag summer. Dahil sa init, nauuhaw ang baby ko at halos walang bitiw sa pagdede. Pati ako natutuyuan na. Minsan umaabot na sa point na magaan na ang pakiramdam ko sa mga dede ko na parang di na napupunuan. Kahit anong tubig o sabaw ang gawin ko, wala parin.

Nagbakasyon kami sa Valenzuela kasi may family swimming kami. Bale sa pamilya,  4 kaming magpipinsan nanganak nang halos magkakasunod, ako ang huli. (Ang saya sa pamilya namin diba, ang daming baby) Tapos nagkakwentuhan, ayun nasabi ko nga na medyo namumrublema ako sa supply ko at para akong natutuyuan. Yung isa kong pinsan, nagsuggest ng M2. Effective sa kanya, subukan ko raw. Buti may stock sya kaya yun ang binili ko.

Para malaman ko kung tatalab, nagstop muna ako ng oatmeal and milo. Di rin ako kumakain ng malunggay o iba pang pwedeng makaapekto sa experiment ko. Twice a day for 3 days, uminom ako ng isang baso. Yun na yung beverage ko habang kumakain ng tanghalian at hapunan. May option sya either as hot tea or iced tea. Dahil summer, iced tea syempre.

Umepek ba naman? Well, oo. Masasabi kong may effect sya sa akin. Humakot uli ng gatas ang mga dede ko, napuno, may time na nag leak pa ang isa habang naka-latch si baby sa kabila.

Eto yun, M2 Tea Drink. Concentrate sya, parang syrup. Main ingredients are Malunggay, Okra, and Luya.

Ingredients: Mineral Water, Muscovado Sugar, Malunggay, Okra, Ginger, Citric Acid, Sodium Benzoate.

Manufactured by: NatureEarth Corp.

Preparation:

Cold: Pour ice in a 12oz glass, Add 4tbsp of M2, Fill with water, Squeeze Calamansi or Lemon.

Hot: Pour hot water in a cup, Add 3tbsp of M2, Squeeze Calamansi or Lemon.

Ganito naman ako mag-prepare ng akin. Para madalian ako, nag convert ako sa metric system. Sa pamamagitan ng konting math:

4tbsp : 12oz = 59.14ml : 354.88ml

Isang litro na ang tinitimpla ko, para sa maghapon ko na yun. Bale math uli tayo… So kailangan ko ng 166.64ml para makagawa ng isang litrong iced tea. Sa 1liter na container ko hinahalo ang lahat. Mas madali kasi mag shake shake nalang tapos ilalagay ko sa ref or freezer. Gamit ang measuring cup, 170ml na ang sinukat kong M2, tapos tubig hanggang mapuno ang container, at 6pcs na medyo malalaking Calamansi. Di ko alam kung ilan kapag lemon. Depende siguro sa panlasa mo if gusto mo na lasang-lasa yung Calamansi parang Calamansi juice or pwedeng kagaya ng sa akin na may konting hint lang ng Calamansi. Sinubukan ko rin yung walang Calamansi, ayos lang. Masarap narin naman, parang samalamig / gulaman ang lasa dahil siguro sa muscovado sugar. Iniinom ko every other day or kapag gusto ko. Wala akong naranasang effect kay baby, di naman din sya kinabag or naging fussy. Mommy Juice daw to sabi ng mga anak kong 5 at 8 yo.

Sa isang litro ng M2, 17 servings/glasses ang magagawa, or 6 liters ng iced tea. Nabili ko sya for 250 pesos, kaya lumalabas na nasa mga halos 15 pesos sya per glass or mga 41 pesos per liter na iced tea.

Bibili ba ako uli? Oo. Okay naman sya sa akin at kesa sa kung anu-ano lang ang iniinom kong juice or minsan pa nga softdrinks, edi ito nalang.

Marerecommend ko bang bumili kayo? Kayo, bahala kayo. Haha. Nakatulong ba? Pero seriously, itry nyo muna yung mas konti or if first time, maganda siguro makitikim ka lang muna, maki-share. Baka kasi di mo magustuhan ang lasa. Although, di sya lasang luya, di rin sya slimy na parang okra (na naimagine ko bago ako nakatikim), may lasang “dahon” sya, na okay lang sa akin dahil mahilig talaga ako uminom ng mga tea at iba pang plant based beverage. Pwede rin na walang effect sa inyo dahil syempre iba-iba tayo. May smaller size ata sila. Yun muna siguro ang bilhin nyo kung gusto nyong subukan.

Ano ang ayoko? Hmm, wala, medyo may parang after taste lang na naiiwan sa dila/bibig ko. Pero wala namang problema. Bukod dun, okay lahat.

Saan makakabili? Online shops, Shopee, meron rin daw sa Lazada, at Robinson’s Supermarket.

Basta wag lang din kalimutan na sabayan ng healthy food and snacks, pahinga, fluids, at unli latch para sa maayos na supply ng breastmilk.

Happy breastfeeding!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s