Kwentong Taho

Soy pudding with caramelized sugar syrup and tapioca pearls.

TAHO for short. Isang sigaw lang alam na.

Gusto ko yung malambot, hindi yung nagbubuo-buo na parang papunta na sa tokwa. Hindi yung nagtutubig, walang sago, tapos padagdag ng arnibal, wag haluin. Masarap simutin yung nagtining na arnibal sa ilalim, sa sobrang tamis nakakaubo.

Mas masarap kapag yung mainit pa, na natikman ko lang nung nakatira ako noon sa boyfriend ko (na asawa ko na ngayon) sa Sampaloc. Bagong gawa lang saka sa kanila unang iniikot ang paninda. Madalas sa umaga pero meron din sa tanghali, hapon, at madaling araw, dun sa Divisoria. Nung nasa Baguio naman kami, strawberry preserves ang hinahalo para maging Strawberry Taho na sya.

Napanood ko sa Bubble Gang minsan nag spoof nanaman sila ng kanta, ang naging theme na nung kanta e taho. Nabanggit don si Mang Nanding, naalala ko tuloy yung kabataan ko kasi Mang Nanding din ang tawag namin sa naglalako sa amin. Si Mang Nanding na mula noong bata palang ako na lumalabas sa kalsadang naka panty lang hanggang sa ngayong nagkaanak na ako ng tatlo ay nagtitinda parin. Kukulitin ka pa pag di ka lumabas, kapag nasa labas naman mga anak ko automatic binibigyan na nya. Kaya nagulat ako minsan siningil ako ng malaki kasi nagpatong-patong na yung auto supply ng mga anak ko ng taho nya. Minsan naman halos pamigay nalang sa dami ng serving ng taho nya kasi paubos na. Palibhasa tanghali na kung dumaan sa amin. Bukod sa taho, pwede magrequest sa kanya ng Soya Milk, 25 pesos isang bote tapos papatamisin ng arnibal. Meron din oorder kami sa kanya nung premium tokwa, yung bagong gawa, malambot at hindi maasim. Parang isang buong taho lang. Kwento ng pinsan ko, minsan nanalo si Mang Nanding sa sabong, hindi na sya nagtinda. Uminom nalang kasama ang tito ko. Edi ayun nalasing tapos namigay nalang ng taho. Sawang-sawa daw mga pinsan ko non sa taho e, napurga na.

10 pesos na tong ganito kaliit ngayon samantalang dati tres lang, utang pa. Pero kapag medyo matagal na hindi nakarating yung nagtitinda, limang piso, cash! Hehe. Hindi ko lang din alam kung lumiit ba ang baso o lumaki lang talaga ako. Usually, kumukuha ako ng sarili kong baso kapag nasa bahay. Hindi dahil sa maarte ako o ano pero kasi feeling ko mas marami kapag ganun. Ewan, hanggang ngayon di ko pa naman napapatunayan kung tama ba ako. Susubukan ko nga minsan.

Ngayon nasa plastic cup ang taho namin (na pangkaraniwang serving suggestion) kasi blow off at wala kaming tubig. Inubos ko na ang taho ko habang naalala nanaman ang mga kwento ng sinimot na nagtining na arnibal sa ilalim ng baso.

Advertisements

One thought on “Kwentong Taho

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.