Gender Prediction Tests

Mula nang malaman kong makakayanan namin maipagpatuloy ang pagbubuntis ko, di lumilipas ang “internet time” ko nang hindi ako maghahanap ng paraan kung paano ba malalaman ang gender ng baby nang hindi iuultrasound. Mga kasabihan, mga “scientific”, “accurate”, at “reliable” basis daw. Sa mga naco-compile ko, iba-iba ang mga resultang nakukuha ko.

Sobrang dami, sa sobrang kulit ko rin siguro sa Google. Kung nagsasalita lang sya malamang nagreklamo na “Paulit-ulit teh? Yan nanaman teh?”. Sorry na Google, last na to. Pagbigyan mo na . Haha

Heto at pumili ako ng 35 (pinili ko pa talaga yan ha) na tests. Bawat isa iba ang result kaya gagawa ako ng table para mabilang kung ano ba ang mas marami.

*Note: Lahat ng ito ay para pangkatuwaan lang, hindi ito basehan kung ano ba talaga ang totoong gender ng baby. Para lang to sa kagaya ko na asang-asa at nababaliw na kaiisip kung ano ba ang gender ng baby pero di pa makapagpa-ultrasound dahil hindi pa naman makikita o basta trip lang.

SIMULAN NA NATIN!

 

#1 CHINESE CALENDAR METHOD
Ang sikat na sikat na method sa panghuhula ng gender ng baby. Sinauna pa tong method na to kaya marami na ang nagsabing accurate daw talaga. Binibilang dito kung ano ang Lunar Age ng nanay nang mabuntis at yung Lunar Conception Month or yung month kung kailan nabuo ang baby. Take note sa Lunar ha, meaning kukunin mo muna ang equivalent Lunar age mo at Lunar month of conception  dahil magkaiba ang Chinese Calendar sa tipikal na ginagamit nating Gregorian Calendar. Sinubukan ko sa unang dalawa kong anak at tama naman na Boy silang lumabas. Ngayon, bale sabi e 28 ako sa Lunar Age at March ang Lunar month na nabuo ang baby, kaya ang resulta ayon sa chart ay BOY.

Untitled.jpg

photo credit: https://thechinesegenderpredictor.com/


#2 MAYAN CALENDAR METHOD

Digits naman ang basehan dito. Ang sabi kung parehong odd+odd o even+even ang edad ng nanay nang mabuntis at ang buwan na nabuntis, babae. Pero kapag odd+even o even+odd ang digits edi lalaki. Sa akin 27 ako nang mabuntis at April yon so bale 4. Odd+Even = BOY.
Example:
28 (age ni mommy) + 5 (May) = Boy
28 (age ni mommy) + 6 (June) = Girl

8kLzXJcGJ2vjUNQL6zC3Br2VwmBp8iDx_lg

photo credit: TheGenderExperts.com


#3 RAMZI THEORY

Applicable naman to sa first ultrasound ng baby. Yung mga 6th to 8th week. Dito, tinitignan kasi kung san nakapwesto ang placenta. Kapag raw sa left side, babae. Kapag sa right side naman, lalaki. Take note pala na ang ultrasound is parang mirror image so kapag sa ultrasound photo ka raw titingin, yung nasa left ang placenta is boy at yung nasa right side na placenta ay girl. Pinagbasehan ko yung ultrasound ko noon sa pangalawa ko, at parang nasa left side nga yung maliwanag na part sa palibot ng baby (yun daw kasi ang placenta). Sa ngayong ultrasound ko, parang wala masyado pero nag-assume ako dun sa bandang right na parang may space dun para sa placenta. So ia-assume kong GIRL.

f5fd0ac2ca0edcbd9b5a28109863aee4.jpg

photo grabbed from Google

#4 PARENTS’ BLOOD TYPE
Usually daw nadedetermine ang gender ng baby base sa blood type ng mag-asawa. Sa kaso namin, AB+ sya at ako naman O+. Ang lumabas na result ay BOY.

#5 PARENTS’ AGE
May nakita din ako sa internet na depende rin daw sa edad ng tatay at ng nanay nang mabuo ang baby. Halos kaparehas lang din sa mayan. Odd+Odd or Even+Even ay girl. Odd+Even or Even+Odd ay boy. Sa amin, 31 sya at ako naman 27 na parehas odd number kaya GIRL.

#6 OVULATION & FERTILE DAYS
Sabi raw kapag nagtabi kapag most fertile days, malaki ang chance na Boy. Kapag naman daw di gaanong fertile ibig sabihin Girl. Sa amin, dahil nagca-calendar method at Billing’s ovulation method bago nabuo si baby, di kami gaano nagtatabi kapag fertile. Kaya baka GIRL.

#7 FETAL HEARTBEAT / HEARTRATE
Kapag raw ang fetal heart rate ay mas mataas sa 140bpm (beats per minute), babae daw. Pero kapag mas mababa sa 140, lalaki. Sa una naming ultrasound, nakakuha ng 146bpm. Then sa pangalawang check-up, 150bpm via doppler. Sa pangatlong check-up 120bpm via doppler uli. So mas malamang yung more than 140bpm kaya dun ako sa GIRL.

#8 PREGNANCY CRAVINGS
Sabi nila kapag daw ang mga hinahanap mong pagkain ay mga matatamis, babae. Kapag mga maaalat, lalaki. Sa una kong pagbubuntis gusto ko talaga noon mga hotdog. Sa pangalawa naman, fried chicken o kahit anong malutong at maalat. Ngayon, natatandaan ko na hindi ko pa confirmed na buntis ako pero lagi akong umiinom ng pearlshakes at gustong gusto ko ng sundae saka donuts. One point uli sa GIRL.

#9 MORNING SICKNESS
Kapag daw parang hindi ka nahilo o nagsuka gaano, parang wala lang, boy daw. Pero kapag halos di ka makatayo o sobra yung pagkahilo at pagsusuka mo, girl daw. Sa unang dalawa ko, hindi ako nahirapan. Sa ngayon, ramdam ko talaga ang antok, hilo, at pagsusuka na wala na akong ganang kumain sa sobrang sama ng pakiramdam ko. GIRL!

#10 HEADACHES
Sobrang sakit ng ulo habang nagbubuntis, lalaki raw. Kapag wala namang sakit ng ulo, babae. Sumasakit ang ulo ko sa pagbubuntis ko ngayon, minsan di ko alam kung dahil narin sa init ng panahon. BOY.

#11 SLEEP POSITION
Kapag lagi kang nakahiga sa left side mo, boy. Kapag naman daw sa right, girl. Ngayon, komportable ako kapag natutulog sa left side ko. BOY.

#12 MOOD
Kapag daw topakin ang buntis, babae raw. Kapag laging masaya, lalaki. Ngayon pansin ko lagi akong may toyo, kaya GIRL.

#13 CLUMSY & GRACEFUL
Ang clumsy na nanay, boy daw ang baby. Pero kapag naging graceful ang kilos, girl daw. E ako parang palaging clumsy, noon pa man din. BOY.

#14 WEIGHT GAIN
Kapag mabilis ka raw mag gain ng timbang, boy. Pero kapag mabagal, girl. Sa akin noon mabilis ako nagge-gain ng weight. Sa ngayon, halos wala akong weight gain at nabawasan pa nga nung nakaraan. Dahil siguro sa hindi ako masyadong makakain. GIRL.

#15 BELLY WEIGHT
Kapag raw tumataba ang mga braso at hita mo, lalaki. Pero kapag tyan lang ang lumalaki, babae. Sa pagbubuntis ko ngayon, tyan lang talaga ang lumalaki sa akin at pumapayat pa nga ang mga braso at hita ko. GIRL.

#16 DAD’S WEIGHT
Yung daddy naman daw kapag mas sya pa ang tumataba o sumasabay sa pagtaba e girl. kapag naman hindi nagbabago ang timbang, boy. Sa amin, parang lalo syang tumataba, dinaig pa ako. GIRL.

#17 SKIN
Smooth at clear skin daw ibig sabihin lalaki, pero kapag maraming pimples ay babae. Hindi ako gaano nagkakapinples except kapag malapit na magkaroon ng mens. Kaya akala ko noon magkakaroon pa ako. Ngayon, ang dami ko paring pimples. Kung may gagaling, may papalit na tatlo. Kahit anong hilamos ko, ganito parin. GIRL.

#18 HAIR
Soft and bouncy at shiny hair daw ay dahil sa baby boy. Kapag dry at frizzy ang buhok ng nanay dahil daw sa baby girl. Hindi ganoon kaganda ang buhok ko pero nang mabuntis ako, grabe pa ang ipinangit at ang gaspang. GIRL.

#19 HANDS
Ang dry at magaspang na kamay daw dahil sa boy. Kapag makinis daw at malambot, girl. Sa akin sobrang dry at minsan nagbabalat pa, di ko alam kung dahil sa sabong panghugas ng plato o ano. Pero ayun, BOY.

#20 NOSE
Kapag raw lumapad ang ilong e boy, kapag parang wala lang naman nagbago e girl daw. May nagsabi sa akin na lumaki daw ilong ko, kahit alam kong di naman ako ganun katangusan. So sige na nga, BOY!

#21 BREAST COLOR
Tinitignan dito yung areola o dark part ng nipple. Kapag lumaki raw at nag dark, lalaki. Pero kapag parang wala naman gaano pinagbago, girl daw. Sa akin, grabe na sya nag dark, at medyo lumaki nanaman. BOY.

#22 BREAST SIZE
Left breast mas malaki sa right breast ay boy daw. Right breast mas malaki sa left girl daw. Natural na mas malaki ang left ko sa right, so di ko alam if counted. BOY.

#23 BELLY SHAPE
Yung naipon sa harap lahat ng laki ng tyan ay lalaki raw. pero kapag malapad at bilog na bilog, babae. Sabi ng kasambahay namin bilog daw, so GIRL.

#24 LEG HAIR
Kapag raw mabilis tumubo at makapal ang balahibo sa binti, lalaki. Kapag hindi naman, babae. Sa akin, pansin ko kumapal kaya, BOY.

#25 ARMPITS & NECK
Yung mga nangitim ang mga kili-kili at mga leeg o batok, lalaki raw. Pero kapag parang wala, babae. Wala naman nagbabago sa akin, lalo nga akong namumutla, haha. GIRL.

#26 BLOOMING & GLOWING
Ang buntis na blooming at parang laging fresh, boy daw ang ipinagbubuntis. Pero kapag mukhang hirap at haggard, girl daw. Sa mga nauna ko, ang ayos ayos ko. Ngayon sobrang mukhang nalosyang ako. GIRL?

#27 FATHER’S SIDE SIBLING HISTORY
Pwede rin daw hulaan base sa history ng mga kapatid ni mister. Maguumpisa sa kanya. Yung sumunod sa kanya, yun ang gender ng panganay, tapos sa sumunod is sa pangalawa, and so on. Pangalawa si sir sa magkakapatid. Sumunod sa kanya, boy, tama naman na boy ang panganay namin. Sumunod ay boy uli, na totoo rin sa pangalawa namin na boy. Sumunod ay boy parin. Kaya ang pangatlo namin, baka BOY.

#28 FIRST KICK
May nakapagsabi sa akin sa isang mom’s group na kapag daw naramdaman ang unang sipa ng baby sa kaliwa, girl daw. Kapag sa kanan, boy. Una kong naramdaman si baby at 14-15 weeks, lagi sa left side ko. GIRL.

#29 KIDS’ HAIRLINE
Sikat na basehan ng kasunod e yung hairline sa may batok ng sinundan. Kapag raw may buntot, lalaki ang kasunod. Pero kapag pantay lang at diretso, babae. Silang dalawang kuya, may buntot. Parang BOY ang bunso.

#30 KID’S INTEREST IN BABY BUMP
Kapag daw yung sinundan e laging natutuwa sa baby bump mo, kabaligtaran ng gender nya ang kasunod. Pero kapag walang interes, kapareho nya ng gender. Naaalala ko noon yung panganay ko, di naman gaano humahawak sa tyan ko. Ngayon, silang dalawang magkapatid laging humahawak at kumi-kiss sa tyan ko. Baka ramdam nila ang bunso namin GIRL.

#31 KIDS’ FIRST WORD
First word ng panganay ko noon tandang-tanda ko, “dada”. Kapag ganun daw boy ang kasunod. Kapag “mama” ang hinanap nya e babae. Sa pangalawa ko, ang first word ay “dede” haha. Pero ang ibig naman nyang sabihin e ako. Ako ang hinahanap nya, kasi breastfed sya so ako si dede at hindi ako si mommy. GIRL.

#32 DREAMS
Napanaginipan ko noon sa panganay na magkakaroon daw ako ng baby girl, ang lumabas boy. Ganun daw yun, kabaligtaran ang mga lumalabas. Ngayon, napanaginipan ko na magkakaroon daw ako ng baby boy nanaman, hindi pa ako nun buntis. Baka mabigyan na ako ng GIRL.

#33 URINE COLOR
Mahirap na basehan ang kulay ng ihi dahil sa mga vitamins at hydration ng nanay. Pero kapag matingkad na yellow daw, boy. Kapag maputla, girl. Ang ihi ko ma smadalas maputla. GIRL.

#34 BAKING SODA GENDER TEST
Sinubukan ko to, kumuha ako ng dalawang plastic cup. Yung isa nilagyan ko ng isang kutsarang Baking Soda. Yung isa naman nilagyan ko ng wiwi. Bale dapat ibubuhos mo yung ihi mo dun sa cup ng Baking soda. Kapag bumula na parang beer o softdrinks na isinalin, boy. Kapag walang reaction, girl. Yung sa akin, walang reaction, GIRL.

#35 INSTINCT
Sa unang pagbubuntis ko, boy talaga ang pakiramdam kong magiging anak ko. Sa pangalawa, ganun din. Hindi ko inasahan na babae. Pero sa ngayon, pakiramdam ko talaga babae na. GIRL.

 

FINAL SCORES!

Untitled.jpg

BOY: 13
GIRL: 22

Panalo ang girl, haha. Patay tayo nito, pinapaasa ko nanaman ang sarili ko.
Nakakatuwa lang din, malalaman natin ang result kapag tinignan na sa ultrasound.
Around 20 weeks or 5th month, nagpapa-gender ultrasound na ako kasi developed na ang genitals ng fetus non, pero para mas sure kayo, hintayin nyo na mag 7-8 months or 28th-32nd week.

Kayo, mag-tally din kayo kung ano sa inyo ha at share nyo rin sa akin ang results nyo 🙂

 

***UPDATE:
After an ultrasound scan done at my 20th week, we were so glad to find out na may baby girl na kami sa wakas! Iyak-tawa, sobrang happy 🙂

Advertisements

24 thoughts on “Gender Prediction Tests

  1. bhebe says:

    Ang kulit amn ng test mu sis. 19th weeks n aq x martes. Peo c bby ramdam q cia lgi x left side cia kc andun bmubukol pg gmgalaw cia. Peo instinct q amn boy tlga cia..

    Like

  2. Amelyn says:

    Hi sis.. Natuwa nmn ako sa mga shinare mo hehe , im 34weeks pregnant . Expect ko tlga babae. Kasi karamihan sa mga sinabi mo .. Babae tlga. Pro numg ultrasound ko Lalake daw.. Nkakaiyak. Lalake nnman.. Huhu pro di aq sure kc di pinakita skin nung nag ultrasound.n lalake nga, bsta sbi nya 80% boy.. May posibilidad kaya na magkamali ang Ultrasound?

    Liked by 1 person

    • Aubrey says:

      Hi! Pang ilang boy mo na? Kung trusted yung nag ultrasound sayo, pwedeng boy na nga talaga. Yes, minsan may mga kaso na nagkakamali like may kilala ako sabi girl daw tapos nung mag 9 months na, boy pala. May ultrasound pa naman pag manganganak na, yung bps. Ipacheck mo uli para sure ka 😊

      Like

  3. grace says:

    nakaktuwa nmn ung mga nabasa q aq ngaun ay mag 3 months preggy may 2 boys na aq sna nmn this time mag ka baby girl na aq kc naiinggit aq sa may mga anak na babae kc may inaausan cla pero kng anu man ang kalalabasan ng ultrasound q sa mga susunod na buwan ok lng kht boy bsta healthy at wlng sakit pero nkakatuwa lng kc nag bilang aq ng mga tugma sken ang nanalo ay girl hahaha ang hirap umasa pero wla nmn masam kng mangangarap aqong mag ka baby girl hahaha

    Liked by 1 person

    • Aubrey says:

      Hi mommy grace, thanks for reading my post! Lamang din ba ang baby girl sa hula mo? Mahirap nga umasa ano saka naisip ko dati na parang ang unfair ko naman pag nalungkot ako na baby boy ang gender ng baby ko kaya inisip ko nun na basta healthy sya, okay na rin sa akin.

      Kapag nalaman mo na ang gender, balitaan mo ako mommy ha? By 5 months, pwede na makita ano gender ni baby. Enjoy your pregnancy, congratulations and ingat po 🙂

      Like

  4. jona says:

    sana nagkamali un nag ultrasound sken kc wla pang 6 months in ultrasound ako. SBI girl daw ang gusto ko sana boy nman kc 3 girls na cla so expected ko boy nman sana, d kc katulad ng nagbuntis ako sa 3 Maria’s ko na any selan selan ko magbuntis lahat ng food, pati Amoy ng bawang iba tlaga ska blooming ako sa girls magbuntis d tulad ngaun lahat ng food wala ako inuurungan walang sayang then malaki ang tiyan ko kumpara sa mga girls ko nun ako nagbuntis . pero SBI ng nag ultrasound sken its a girl again. sana nagkamali LNG sya sa ultrasound maybe next ultrasound makita na ng maayos sana boy nman.:(

    Liked by 2 people

    • Aubrey says:

      Hi mommy jona! Mas malaki ang chance na accurate ang ultrasound pag mas malaki na si baby kaya makikita na ng malinaw kung ano talaga ang gender. Cheer up mommy! Congratulations po at good luck sa pregnancy. Basta sana maging healthy ang baby.

      Liked by 1 person

  5. Rio Annabelle Gimeno says:

    3 months and 8 days preggy na ako sana baby boy na rin skin👶 kc may dlawang baby girl na ako…dti sa dlwang baby ko na babae di aq maselan prang wla lang… ngaun nun 1st trimester ko sobrang selan ko nagsusuka ako…at tinatamad ako palagi …malakas pakiramdam ko na baby boy na sya…kc minsan sumipa sya sa right side😁tpos mas comfortable aq matulog sa left side😊😊😊hopefully biyayaan na kmi ni God ng baby boy🙏🙏🙏…

    Liked by 1 person

  6. Rhealynditchon says:

    Nakakatuwa to lalo na sa cravings una hanap ako ng chocolate cake talaga likes sweets foods. Dalawa na anak ko parehas boy blooming ako non! Ngayon buntis ulit ako grabe hagard ko dami ko pimples.

    Like

  7. Anne says:

    Hi momshie, sakin kaya, 17weeks preggy po ako, then monthly check up ko, nung 12weeks and 5days pa ung tyan ko, 160bpm.nia then ngayon 17weeks po 141bmp naman. tapos palagi ako ang susuka,tamad kumilos, pag nagsleep naman ako,right side palagi, yoko din maasim, wala naman nag babago sa face ko, pero minsan hagard ako tignan,tpos mabilog ang tyan ko, palagi ako topakin,.. nag try din ako ng baking soda,no reactions, then ung breast ko mas laki sa right,, Expected ko talaga is baby Girl, kse my boy na po ako, pero Sabi sa ultrasound ko, its a boy daw po. pero 17weeks pa naman sya,, sana nag kamali lang ung ultrasound ko.. Gusto ko sana baby Girl naman…

    Like

  8. Corry says:

    Hello mga sis sakin 7 month nah tiyan q pangatlong baby q to same lang din sa 2 anak q nah lalake hirap aq maglihi ayaw ko kumain at ayaw q ng mga amoy nah ginigisa lalo nah ung bawang sibuyas basta mga lutong ulam at kumukulong sinaing hindi aq kumain basta iniinom q lang tubig nah malamig gusto ung malamig. Pero non nag paultrasound aq non 5 months girl daw ang baby q ung balat q malinis at bloming aq same lang din sa 2 anak qng boy madalas nakatulog aq sa kanan minsan naman sa kaliwa hindi rin dry ung buhok q ung nag check aq sa chinese lunar boy daw baby q pero ung tiyan q bilog dami din nag sabi sakin nah girl daw baby q kc bloming daw aq. Malake ung kaliwang bobs q at dark ung nipple q. Pero gusto ng hubby q boy ang maging baby namin sa akin gusto q girl pero dahil gusto q sumaya c hobby q kaya sana boy nalang ang baby q pero para sakin kahit ano ung gender nya basta healthy sya okay nah aq.. Nakakalito talaga sa kagustohan mo maging masaya ung asawa mo bahala nah Kung ano ibibigay ni God samin basta healthy ung baby q.

    Liked by 1 person

    • Aubrey says:

      Naku malapit ka na manganak! Congrats! Oo sis iba iba naman talaga, depende siguro sa chamba hehe. Pero okay lang yan basta healthy ang mga babies, kahit anong gender. Masaya din naman ang mga daddies kahit ano at ayaw ba nya nyan may prinsesa na sy. Super lambing ng baby girls sa daddies, experience ko ngayon yan sa baby girl ko. Good luck sa panganganak!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s