Buko-less Buko Pandan

18 weeks na akong buntis e ang dami dami ko paring gustong kainin. Hindi ko alam kung paglilihi pa ba ito o dala lang ng katakawan ko. Ngayon palang din kasi ako babawi sa mga buwan na hindi ako talaga makakain dahil sa hilo at pagsusuka.

Gusto ko talagang kumain ng buko pandan. Sa isang birthday celebration na napuntahan ko, ito lang halos ang kinain ko. Nakadalawang ulit na ako pero hiyang-hiya na ako kung manghingi pa ako ng isa pa. Yun nga lang ang pinansin ko sa lahat ng handa, yung iba dinedma ko, basta nag-focus ako sa pag-ubos ng buko pandan. Kahit pa noong unang months ng pagbubuntis ko, ito ang flavor na binibili ko sa pearl shake.

Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon at ibinigay ang sariling hilig. Nung mag grocery kami, bumili na ako ng ingredients na kailangan ko. Hindi ko kailangan gumawa ng sobrang dami dahil konti lang din naman kasi kami sa bahay. Wala akong alam na bilihan ng buko sa amin pero okay lang kasi ang habol ko lang naman talaga ay yung Pandan Jelly. Ang weird ano, ewan ko ba, basta yun lang ang trip ko e.

At nakabili na nga ako. Less than Php100.00 ang nagastos ko, meron na akong dessert.

250ml tetra brick Condensed milk (Php40.00), 250ml tetra brick All purpose cream (Php44.50), 1 pack Jelly powder mix, Buko Pandan flavor (Php12.00)

2016-08-16 23.52.12

Hindi na ako nakatulog, ginawa ko na agad para matapos na ang paglalaway.

Una, iniluto ko muna yung Pandan Jelly according to package directions. Nakita ko tong flavored Jelly mix sa grocery at naisipan kong itry. Kapag gumagawa ako ng Gelatin, itong brand na ang ginagamit ko. Ngayon may bago, so inisip kong baka okay naman ang kalabasan. May kasama syang flavoring sa likod na parang liquid. Mura na sa Php12.00 compared kung magpapakulo pa ng pandan or kung bibili pa ng ibang hiwalay na pandan essence or flavoring.

2016-08-16 23.49.42

Kailangan ng 625ml tap water pero 600ml lang ang ginawa ko (mas konti pa nga) kasi gusto ko ng mas firm na texture ng Jelly. I-dissolve muna sya tapos isalang sa kalan at pinakulo ko habang hinahalo. Nang kumulo na sya, hinalu-halo ko ng mga 3 minutes then nilagay ko na yung Buko Pandan flavoring na included na sa Jelly mix. Inilagay ko sa mold then hinayaan lang mag-set at room temp.

2016-08-16 23.49.49

After about less than an hour, oras na para hiwain ang Jelly! Firm na sya, so hiniwa ko into cubes. Ganito kalalaki gusto ko, yung iba gusto maliliit na cubes. pero ako, ganito lang okay na sa akin. mga half inch cubes sya. Naghugas ako ng kamay ha, wag kayong mag-alala.

 

 

So ayan nahiwa na lahat. Ang ganda tignan. Pumapak ako ng ilang piraso, Sorry di ko napigilan.

IMG-20160817-00387

Next, Ibuhos lang ang gatas at cream, pati na mga dead skin cells ko sa kamay sama narin! Tapos haluin lang ng maigi. Ingat sa paghalo at baka madurog ang jelly. Dun narin ako nag mix kung saan ako nag-set ng jelly para konti lang ang hugasin.

IMG-20160817-00388

I-transfer na sa lalagyan at ilagay sa ref. Chill lang, wag sa Freezer. Mags-shrink kasi ang jelly. Nailagay ko yung nagawa ko sa dalawang 1000ml storage keepers, pero hindi sobrang puno. (Nagtira ako ng pang dalawang subo para tikman at dahil di ko narin talaga mapigilan!)

 

 

Aaat tapos na! Nakatulog na ako nang mahimbing ng hindi na nag-iisp kung saan ba ako hahagilap ng Buko Pandan na walang buko kundi Jelly lang.

IMG_20160817_222110

Mas masarap sana syang kainin a day after para masipsip ng Jelly yung sweetness ng milk. Pero hindi ko na kayang tiisin pa yun kaya hindi narin naman sya tumagal ng isang araw. Ang dami rin nakain ng anak ko. Sa recipe na to, sakto lang sa 4-5 servings (na sawang-sawa). Maganda gawin if may kailangan kang instant dessert na swak na sa panlasa at kung medyo kulang ka sa budget. Pwedeng mas murang ingredients ang bilhin. Tapos kung may parties, bumili lang ng individual side cups, pwede na!

O sa kagaya kong natrip-an langg talagang kumain ng Buko Pandan na walang buko. Basta mairaos lang ang paglilihi. So ano’ng nagyari? Edi masarap! Ubos talaga. Yung bata sa tyan ko ramdam kong natuwa rin sa dami ng sipang natanggap ko. At ayaw na namin ng Buko Pandan, naka move on na kami agad. Iba naman ngayon. Next!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.