Breastfeeding Learnings

Kaninang umaga, nagpalista na kami ni Alden sa daycare. Sya ang ikalawa kong anak, 3.2 years old. Ang bilis ng panahon at preschooler na sya. Mga one month narin syang nakapag-wean sa akin. Ang tagal din, umabot ng 3 years ang pagpapa-breastfeed ko sa kanya. Akala ko aabutin ng matagal kagaya nalang ng kwento ng ibang nanay na nag-extended breastfeeding. Sabi nila i-enjoy lang daw at di ko mamamalayan na titigil din sya. At heto na nga iyon.

Maaga akong nagkaanak kaya naman karamihan sa mga kakilala ko ay ngayon palang nagkakaroon ng anak. Kapag nakikita ko sila o nababasa ang posts nila sa news feed ng mga social media sites, napapansin ko na halos lahat ng mga nanay ngayon ay nagbibigay ng formula milk sa mga anak. Mas mahal na formula milk, mas mabuting ina. Hindi ko sinasabing masama ang formula milk sa bata (pero in fact masama talaga). Ang panganay ko ay nag mixed-feeding din at nabuhay din sa formula milk, yun nga lang sa pangalawa ko, nagkaroon ako ng chance na maibigay sa kanya ang mas makabubuti para sa kanya – ang gatas ko. Sa una, mahirap, parang gusto ko na sumuko uli sa pagbibigay ng formula milk at magtimpla ng walang humpay. Pero kulang lang pala ang mga alam ko at konti lang, napakaraming magandang dulot ang pagbibigay ng gatas ng ina sa anak at napakarami ring maling akala tungkol dito.

Ilan sa mga natutunan ko ay ang mga sumusunod (base sa sarili kong experience at base narin sa mga facts na natutunan ko sa breastfeeding)

  1. “Binigyan ko na sya ng bote kasi kawawa naman e iyak ng iyak, wala kasing makuha sa akin. as in wala talagang lumalabas. Gutom na yung baby ko kaya pinadede na sa bote.”

-Wala talagang tutulo sa’yo sa unang araw mo pagkapanganak, hindi ganun ‘yon. Unang-una, magtiwala ka sa katawan mo, dahil ang katawan mo mismo ang nakakaalam kung bakit konti palang ang gatas mo. Meron lumalabas dyan, napaka-konti lang. Colostrum ang tawag dun, kailangang-kailangan ng anak mo dahil sa napakaraming antibodies. Panlaban ng anak mo dahil sa biglaang pagbabago ng paligid. Kaya naman sobrang kaunti nyan ay dahil ang sikmura ng anak mo e kasingliit lang ng kalamansi. Meaning, kapag pinadede mo sya ng kahit 1oz na formula milk e binondat mo na sya at pinahirapan mo na agad ang sikmura nya sa pag digest ng gatas ng hayop. Alam ng katawan mo kung gaano lang karaming gatas at kung anong klaseng nutrients sa gatas ang ibibigay nya. Magtiwala ka sa katawan mo. Kaya naman sya umiiyak e hindi dahil gutom na gutom na sya, naninibago sya sa paligid nya na maliwanag at maingay. Hindi sya sanay. Kailangan nya lang ng comfort at idadaan nya yon sa pagdede pero di ibig sabihin na humahakab (latch) e nagugutom. Kailangan nya lang din magtanggal ng insecurity at takot.

  1. “Mas masarap ang tulog nya kapag binigyan ko sya ng formula milk, tuloy-tuloy. Hindi sya iritable. Ang taba-taba pa, ang cute!”

-Ay nanay, talaga pong nakakaantok ang formula milk. Sa hirap ng sikmura ng baby mo i-digest ang gatas ng hayop e talaga pong di sya makakaramdam ng gutom. Malaman nga po sya o mataba, dahil sa taas ng protein na ang tinatarget ng gatas ng hayop ay ang mga laman, dahil nga gagawin silang pagkain in the future. Masama din po sa katawan ang sobrang protein. Ang tinatarget naman po ng gatas ng tao ay ang utak ng bata. Mas madali ma-digest dahil simple lang ang components, akma sa digestive system ng tao, ng sanggol. At gaya ng sinabi ko kanina, alam ng katawan mo kung ano ang kailangan ng anak mo. Imagine, ilang ang sikmura ng baka? Apat. Dahil ganun kahirap i-breakdown ang components ng gatas nila. Kaya imagine mo nalang din kung anong pahirap ang dinaranas ng sikmura ng baby mo.

  1. “Sa label ng formula milk, ang daming vitamins at minerals na nakukuha ng baby ko, samantalang sa breastmilk parang ang labnaw naman at parang payat yung anak mo”

-Ulitin ko po ulit. Alam ng katawan mo kung ano ang kailangan ng anak mo. Sa gatas ng ina, halimbawa, may sakit ang anak mo at sususo sa iyo. Yung laway nya e may bacteria, malalaman ngayon ng katawan mo na may sakit sya, at yung katawan mo ang gagawa ng antibodies na ilalagay sa gatas mo para malabanan ng anak mo ang sakit nya. Kung halimbawang ikaw naman ang may sakit, maipapasa mo naman sa kanya ang antibodies na meron ka para sa sakit na iyon, at maipapasa mo sa anak mo na parang bakuna. Pero ang galing diba kasi hindi dumaan sa karayom kundi sa gatas mo. Magagawa ba yan ng lata ng formula milk? Isa pa, ang sobrang vitamins at minerals ay pahirap din sa atay at kidneys ng anak mo. Uulitin ko nanaman, ang priority ng gatas ng ina ay ang utak ng baby, at hindi para patabain sya ng patabain. Cute ang batang mataba, pero mas nakakamangha ang batang bibo at matalino 😉

  1. “Hindi na ako nakapagpa-breastfeed kasi konti lang ang gatas ko, huminto na.”

-Maraming dahilan kung bakit humihina ang gatas. Isa na rito ang maling position ng baby. Mali ang pag-latch nya sa’yo kaya hindi gaanong nai-stimulate. Kahit anong inom mo ng malunggay capsule o higop ng sabaw, minsan ang dahilan talaga ay ang maling posisyon ng baby. O baka naman hindi rin sya madalas mag-latch at palagi ka nalang nagpa-pump? Isa paring factor yon. Minsan din kasi sobra kang nagpapa-stress. Hindi rin dahilan na “wala akong gatas talaga e”. Imposible. Meron ngang true story, may isang dalaga (note: hindi nanganak) na nag-adopt. Sa kagustuhan nyang magpa-breastfeed sa kanyang ampon, nagpa-lactate sya. Ang sumunod na nangyari? Successful induced lactation. Breastfeeding kahit hindi nanganak – sya na hindi nanganak e nagka-gatas, paano ka pa kaya diba? Minsan din kasi sa atin ang mali, sumuko tayo agad.

  1. “May trabaho kasi ako e kaya kailangan ko na huminto o mag mix feed”

-Nasa batas na maaari kang mag-pump ng gatas mo sa trabaho at kailangan bigyan ka ng sapat na oras para doon. Pwede mong itabi ang gatas mo, pwede ring uminom ng gatas mo ang baby mo nang hindi gagamit ng bote. Hindi kailangan ng bata ang formula milk.

  1. “Mamahalin naman yung gatas ko e kaya ok na rin, maganda na ‘to. “

-Di hamak na mas mahal ang breastmilk kung bibilhin per oz. At kahit hindi ipinagbibili, walang katumbas na halaga ang breastmilk dahil wala rin namang makakaabot sa mga dulot na benefits para sa baby. Ang breastmilk ay precious, priceless, kumbaga sabi nga e mother’s liquid gold.

  1. “6 months na naman ang anak ko kaya pwede na sya magformula milk, wala na kasing sustansya ang gatas ko”

-Bakit pa nilalagyan ang mga ads ng Breastmilk is still best for babies 2 years and beyond kung wala ng sustansya ang gatas mo? Ang gawin mo dahil 6 months na sya, simulan mo na syang bigyang ng solid food at makadagdag sa nutrisyon na nakukuha nya sa’yo. Akala mo lang walang sustansya ang gatas mo pero meron, meron, meron. Napakarami at in fact hindi ko na nga rin alam ang ilan dahil sabi ko nga, iba-iba ang components ng gatas ng ina batay sa kung ano ang pangangailangan ng kanyang anak.

  1. “Matalino ang anak ko kasi formula ang gatas nya.”

-Ang mga henyo noong unang panahon na nakatuklas sa mga bagay na tinatamasa natin ngayon ay hindi pinalaki sa gatas ng hayop. Yun lang.

  1. “Mahalaga sa bata ang pag-inom ng gatas”

-Actually, hindi. Bakit? Teka heto ang ilang research sa http://notmilk.com/

  1. “May nakukuha pa ba ang anak ko? Dalawang taon na, dapat pahintuin na”

-Kung nakita mo ba syang dumede sa bote, pipigilan mo? Hindi lang naman gatas ang nakukuha nya sa iyo, maraming iba pa. Kaya nga sabi e 2 years and beyond, ano ba naman yan. Kung formula milk ang iniinom ng anak mo, malamang itinuloy mo pa yan sa pagbibigay ng gatas na may nakalagay na 3+ o hanggang 6+ at minsan nga e Adult pa, hanggang pagtanda nga e formula milk parin ang solusyon sa pag-supplement ng calcium at sa paghasa ng isip pati pag-kontrol sa diabetes. So sure ka, patitigilin mo ang anak mong 2 years old sa breastfeeding?

  1. “Wala akong magagawa kung lagi lang syang nakadede sa akin”

-Really? Iniintindi mo ‘yon? May iba pa bang mas mahalaga sa buhay mo kesa sa anak mo? Hindi mo kailangan maging si wonder woman para lang maisakripisyo ang pagbigay ng isa sa pinakamahalagang nutrisyon sa kanya at sa mga gawaing bahay mo. Makapaghihintay lahat ng ibang gawain mo, maiintindihan nila kung willing ka lang din magpaintindi sa ibang tao kung gaano kahalaga ang papel ng gatas mo sa mabuting paglaki ng anak mo.

  1. “Kelan mo ba ititigil ang pagpapadede? Ako nga e nilagyan ko ng _____ yung _____ ko para tumigil na”

-Hanggat gusto nya. Darating ang panahon na hindi na sya dedede sayo at mami-miss mo rin for sure. Isa pa, hindi lang naman basta gatas lang ang nakukuha nya sa’yo. Maraming ibang bagay pa, kagaya nalang ng bonding nyong mag-ina. Hindi matutumbasan iyan ng kahit anong bagay.

  1. “Parehas lang ang makukuhang nutrition ng anak ko sa pag-inom ng formula milk at kung ipagpapatuloy ko ang pagbbreastfeed.”

-Ah, hindi. Ang laki ng ipinagkaiba. Kasi hanggang ngayon, napakarami paring ginagawang modification sa formula milk para lang pumantay sa gatas ng ina. At syempre, para makamit nila iyon, kung anu-anong artificial na vitamins at minerals na puro chemical at gawa sa lab ang ilalagay nila sa gatas ng anak mo. Kaya nga “Formula” milk diba? At, hindi rin parehas ang sugar na nasa gatas ng ina sa formula milk. Kaya pansin mo sa karamihan ng mga batang formula feeders ay matataba at yung iba ay obese? Dahil naabuso na ng formula milk ang katawan nila at dahil narin sa taas ng sugar na nasa iniinom nila, plus kung puro artificial at instant din ang baby food nila (na ibang storya na). So bale para madaling equation:

sugar ng formula milk + artificial nutrients = matabang baby pero sakitin.

  1. “Puro hangin nalang ang nadedede ng anak ko, kapag nagpa-pump kasi ako wala namang lumalabas”

-Magkaibang-magkaiba po ang output ng pump sa actual na bibig ng anak ninyo. Kaya dito rin pumapasok yung kahalagahan na naka direct latch ang baby sa inyo kesa sa palaging pump. Sa pag-latch kasi nai-stimulate ang mammary glands na maglabas ng gatas, at kagaya ng sinabi ko kanina, mas nalalaman ng katawan mo kung ano mismo ang kailangan ng anak mo.

Bottomline, BREASTFEEDING IS THE BEST FOR BABIES.

Ang formula milk ay hindi nararapat sa mga bata. Pero kung isa kang ina na nagbibigay ng formula milk sa anak mo, hindi ka naman masamang ina. Sana lang ay maging open ka sa mga facts at sa ibang options na mas makabubuti sa iyong anak. Wala namang pilitan, lahat tayo ay may kanya-kanyang pamamaraan sa pagiging magulang. Iyon nga lang pinili kong mag breastfeed at makatulong sa iba na malaman ang tunay na halaga nito sa kabila ng kaliwa’t kanang advertisements tungkol sa kung gaano kagaling ang formula milk. Kung nagdududa ka sa gatas mo, ibig lang sabihin non e nagdududa ka rin sa sarili mo at sa kakayahan mong magbigay ng alaga sa anak mo. Hindi rin ako nanghuhusga, wala akong kinakalaban, nagbibigay lang ako ng impormasyon.

So far, iyan ang karamihang naririnig kong dahilan ng iba sa kung bakit sila nagbibigay ng formula milk sa mga anak nila. Well, sa iba, aminin man nila o hindi, ang tingin kasi kapag nakabili ng mahal na gatas para sa anak ay iyon ang magse-set ng magandang impression sa anak nila, o sa madaling sabi, ang brand name at price tag ng formula milk ang sya ring makapagsasabi ng social status mo bilang isang ina at ng anak mo. Alam ko, kasi minsan narin sa mga taong nakakasalamuha ko, may nakapagsabi sa akin na “Ok naman pala ang income nyo, bakit mo kailangang tipirin ang anak mo?” Hindi ako sumagot as respect pero heto lang naman ang sagot ko dyan: Hindi ko sya tinitipid actually, buong pagmamahal ko ang ibinibigay ko sa kanya. Hindi mo masasabi ang kayamanan ko base sa kung ano ang kayang bilhin ng pera ko, kundi base sa kung ano ang hindi kayang bilhin ng pera mo. Hindi lang gatas ang ibinibigay ko sa anak ko kundi ang sarili ko, oras, panahon, sakripisyo. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito, pare-parehas lang naman din ang ilalabas ng mga anak natin. Dumi, tae. Pinagkaiba lang, mas mahal ang pagkakabayad mo para lang sa dumi ng anak mo.

*my thoughts, sorry if others may find this offensive. I am responsible for my own feelings, I appreciate it if you are responsible for your own too.

Advertisements

13 thoughts on “Breastfeeding Learnings

  1. Roda says:

    Nainspire naman ako dito..maraming salamat at nabasa ko ito kasi balak ko na sanang sumuko sa pagbe-breastfeed sa baby ko..may question din po ako, paano kaya panatilihing dumami pa ang gatas ko?yung right breast ko mahina na ang gatas actually di na nga pantay Kya nagbalak ako na mag mixed-feeding.sana po masagot ito ni ms aubrey..thanks.

    Like

    • April Aubrey says:

      ganyan din sakin mam roda, mas malaki ang left kesa sa right, tapos mas mabilis mag-ipon ng gatas ang left. yung isa laging malambot. pero ayun nga, unli latch lang. kahit medyo nagereklamo minsan si anak e padedein lang, kung gaano katagal sa isa, same lang din sa isa. hanggat dumedede sa iyo, hindi ka mauubusan ng supply. kung medyo malaki na si baby, pakainin ng masusustansyang pagkain para mag complement sa gatas mo.

      Like

  2. JUVY says:

    ay salamat namn at nabasa ko to.suko na sana ako kasi alam kong kunti nlng gatas ko..gusto ko na talagang e bottle feed s baby..pero ayaw nya talaga.hayaan ko n lng muna hanggat gusto pa nya.thanks sa info.GOD BLESS,

    Liked by 1 person

  3. Marlyn says:

    Mix feeding aq ky baby ngayon dahil nahirapan sya sakin nung una inverted nipple kxe ko..pero ngayon ok na..nakakalatch na sya skin nagpump dn kxe ko para mahila ung nipple ko so far effective nmn kya nkakadede n ulet sya sakin..kaso concern q ngyon sobrang tagal nya magdede sakin parang d nabubusog umaabot ng oras minsan aq nlng humihila kxe nagigising dn sya agad di nagtatagal ung tulog nya pano po kaya un?salamat😊😉

    Like

  4. Aubrey says:

    Hi marlyn! Sorry if sobrang na-late na ang reply ko. Na-busy kasi ako sa pagbubuntis at panganganak. 🙂
    Kamusta ang feedings nyo ng baby mo? Yung ganyan, okay lang yan. Breastfed babies mabilis talagang magutom. Minsan naglalatch lang din to seek comfort, pampatulog. Pacifier ka in short. Pero maganda rin na ganyan naka-latch lang sya para makuha nya yung hind milk mo.
    I hope my reply was not too late! Happy breastfeeding 🙂

    Like

  5. Mhae says:

    Hi po sa lahat.. ahm 5 months po ako nag stop mag pa breast feed sa baby ko. mag 1 year old palang po sya ngayon. CS po kasi ako kaya nung time na yun medyo stress talaga ko sa sakit at parang hirap ako mag pa dede kay baby… eh ngayon po naisip kong ibalik sya sa psa breastfeeding mag 1 month na po akong nainom ng sabaw at malungay capsule.. pero kaka onti padin po ung milk na nalabas saken.. ayaw na po nya mag latch sa akin pump lang po ang ginagawa ko para labasan lang ng gatas.. tanong ko po posible pa po ba na maibalik ang gatas ng katawan ko? salamat po sa sasagot😊

    Liked by 1 person

    • Aubrey says:

      Hi Mhae! Thank you so much for reading and for posting a reply.
      Pasensya na ha hindi ako certified breastfeeding counselor e pero alam mo posible yan na talagang magkaron uli ng gatas. Relactation ang tawag dun at may mga mommies na naka experience na ng successful relactation at from bottle, back to the breast na ang baby. Isa talaga sa key para sa successful relactation ang pag latch ng baby direkta sa breast para mas ma-stimulate ang milk production kaya I would suggest na lumapit ka or manghingi ng tulong sa mas nakakaalam sa ganitong proseso. May step by step procedure din kasi yun na sinusunod para unti unti na magabayan kayo ni baby na masanay uli sya na sayo dumede. Good luck Mhae!

      Like

    • Aubrey says:

      Lahat ng alam ko, natutunan ko lang din sa pagbabasa at mga experiences ng iba’t-ibang mommy sa Breastfeeding Pinays. Group yun sa facebook at kung makakasali or kasali ka doon, mas marami dun na support kang makukuha at may mga lactation expert na pwede kang tulungan para mapabreastfeed mo uli si baby 🙂

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.